GMExGK - 8

89 3 4
                                    

Naka-upo lang ako sa kama ko at nakasandal sa dingding ng kwarto ko sa may ulunan ng kama. Sakto 'pag patay ko ng ilaw sa kwarto ko ay bigla rin nag-brownout. Nakakaasar na talaga ang Paleco (Palawan Electric Cooperative) pero mas nakaka-asar si Xylex kanina. Nakaka-inis talaga ng sobra sobra! Pero maliban sa inis ay may iba pa 'kong naramdaman...ewan ba...hindi ko maintindihan.

Kakatawag ko lang kay Ken. Kung hindi dahil kay Mama ay hindi pa sana matitigil ang pag-uusap namin. Ang sweet niya talaga. Miss niya na ko kaagad samantalang kanina lang naman kami nagkasama. Haist...pero ano ba 'tong nararamdaman ko. Siya ang mahal ko pero iba ang namimiss ko sa sandaling ito. Heh! Erase erase! Ano ba to?! Hindi pwede 'to. Hindiii!!! Teka! 'Yong nakasulat nga pala kanina sa lamesa! Nakita kaya 'yon ni Xylex? Ang tagal na n'on pero hindi pa rin nabubura...katulad ng alaala ko sa kanya na kahit anong gawin ko ay hindi mabura-bura. Haaay...naaalala ko pa......

----------

Linggo no'n. Katatapos ko lang mag-attend ng mass sa Robinson at dumiretso na ko sa Jollibee - oo, sa Jollibee kung saan nga bida ang saya. Mag-isa lang akong nagsimba at mag-isa lang din akong kumakain. Friendly naman ako pero sa panahong ito gusto ko muna na mag-isa. Ewan ko kung bakit. Siguro ay talagang may masamang balak ang tadhana. Ang sarap ng emote at kain ko ng....ay si crush! Papalapit! Stay calm Faith! Stay calm!

"Miss, may kasama ka?"

"Wala po. Bakit?"

"Wala na kasing ma-upuan. Pwede ba 'ko dito?"

"Ok po."

Nilapag niya 'yong tray nya sa mesa ko at isa-isang nilipat mula d'on ang lahat ng order niya. Aba! Mukhang isang tropa pa ata sila kuya crush aa. Ako pa ata ang magmumukhang naki-upo dito.

"Kuya, may dadating ka pa po ba na kasama?"

"Wala na. Ako lang mag-isa. Bakit?"

"Ah wala po. Ang dami niyo po kasing order."

"Ah?! HAHA! Hindi pa kasi ako nagbreakfast at lunch e. Anong name mo?"

"Faith po. Faith Ramirez."

"Alam ko. HAHA! Ang ganda naman ng name mo. Kasing ganda mo."

"Talaga po? Ano naman po name niyo?" Nagkunwari na 'kong hindi alam ang name niya para lang may mapag-usapan.

"Name ko?"

"Hindi po. Name po ng lolo niyo. Siyempre po kayo."

"Ah?? HAHA! 'Wag ka na kasi mag-opo sa'kin. Xylex Manuel name ko."

"Alam ko din po. HAHA!"

"Oh?! Pa'no mo nalaman?"

"E sa'kin po pa'no niyo nalaman?"

"Wag ka na nga sabi mag-opo."

"Ay! Ok po. Ay! Sorry! Ok lang pala dapat."

"So pano mo nga nalaman name ko?", tanong ule sa'kin ni Kuya Xylex.

"Wala lang. Naririnig ko kasi lage sa school. E ikaw? Pano mo nalaman name ko?"

"Wala lang din. Crush kita e."

Emeged! Crush ako ni Kuya Xylex! Pwede na 'ko mamatay! Ay hindi pa pala! Lord, 'wag po muna! Gagawa pa kami ng happy ever after!

"Oh ba't ka nagba-blush?"

"Ha? Ah! Eh?! Wala lang."

"Crush mo 'din ako noh?"

"Huh? Ah?! Hindi noh."

"Sabi mo e. Sige...para di natin malimutan ang araw na 'to na nagkakilala tayo, magsulat tayo sa lamesa na 'to"

"Bawal kaya mag-vandal."

"Hindi naman nila malalaman e. May ballpen ka ba?"

"Blue lang e."

"Ok na yan. Pahiram ako."

Inabot ko sa kanya ang ballpen at nagsimula na siyang magsulat. START OF FOREVER. X&F

"Ano yan? Ba't yan ang sinulat mo?"

"Wala lang. Ang cute nga diba? Nasa'yo na lang kung anong forever ang gusto mo, forever friends o forever love."

"Ang wild ng pag-iisip mo ha. Start of forever. Mabubura din yan pag pinunasan na."

"HAHA! We'll see."

-----------

Do'n nagsimula ang lahat. Tama nga siya. It was the start of forever...pero ngayon, forever is over. Ayaw ko na siyang balikan. Tama na 'yong nasaktan ako, umasa at nagmahal sa kanya ng minsan. Pero bakit ganito? Namimiss ko siya...at lahat ng mga pinagsamahan namin.

Girlfriend Mo Ex-Girlfriend KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon