TULA #1 "LITRATO" (Spoken poetry)

1K 29 7
                                    


Lahat naman siguro tayo ay           mayroong litrato
Bagay na naglalarawan ng masayang sila, nila, kayo at syempre yung tayo.

Nakakatuwamg pagmasdan at tignan mga munting ala-ala na nakasilid sa papel na kwadrado
Kung saan ang oras ay nakakandado
At mga ngiting hindi magbabago

Ngunit tulad ng larawan, pag-ibig mo'y kumupas
Nanlabo at nawalan ng lakas.
Bakit mahal? Gusto mo nabang kumalas?
Kumalas at iwan ang lahat sa nakalipas?

Mahal huwag mo akong iwasan, huwag mo akong iwasan baka pwede pa nating pag-usapan at hanapan ng paraan.

Mahal huwag mo akong iwanan, wag mo akong iwanan, paulit-ulit na sinasambit ngunit tuluyan ka pading lumisan.

Kaya heto ako ngayon sa ilalim ng buwan
Gabi-gabing ninanamnam ang iyong mga paalam
Kasi siguro hindi mo alam o sadyang hindi mo na inalam...
Kung gaano ako katakam sa tamis ng pag-ibig nati'y dating nilalanggam.

Gabi-gabing kausap si Bathala, nakatingala sa mga ulap at tala
Nagtatanong ng "bakit?" Kay tadhana.
Bakit hindi nalang tayo ang itinakda sa istoryang langit ang lumikha at may akda.

Ngunit mahal huwag kang mag alala dahil sa huling patak ng aking luha, patitigilin na ang pusong umaasa.

Ibababa at isusuko ang aking sandata tulad ng pagtapon ng larawan mo sa aking lumang pitaka na minsang nagpatunay na ikaw ang nagbigay ng kulay at saysay dito sa magulo kong buhay.

Kaya't pinapangako ko sayo na kakayanin ko kahit wala nang ikaw at ako
Pinapangako ko na magiging masaya ako para sayo kahit iba na ang katabi mo sa iyong mga bagong litrato.
Ito'y pinapangako ko , pinapangako ko at iyan ay itaga mo sa bato.
Paalam na mahal ko.

A/N: Iniwan kana ba? Comment here kung nakakarelate ka.

Mga Tula...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon