Ilang beses bang magugulat sina Jesrell sa mga nangyayari ngayon? Kanina lang, itong si Tiffany sinabing kasal na si Oshien tapos ngayon si Julian, yung reaksyon parang wala lang? Wa effect?
"Anong now what MJ? That girl, woman rather is already married. Ano bang reaksyon yan?"
"And then?"
"MJ did you hear what I said?"
"Well yeah. Okay she's married and then?"
"Oh my God MJ! What's with that face? Ano pa bang gusto mong malaman? Sumabog na ang bomba sa mukha mo, wala ka pa ring reaksyon?"
"Ah, so yun na yun? Wala nang bago? Kalawangin na kasi yan eh. Akala ko pa naman latest na. Matagal ko nang alam yan."
"MJ alam mo na yan matagal na?! Bakit hindi mo sinabi sa'min?" tanong agad ni Jesrell. This time, humarap na si Julian sa mga kasama niya.
"Ay sos, bakit ko naman sasabihin aber? Buti ba kung ako asawa nun eh. Gora! Ipagyabang ko pa. Hello? Wala kaya ako sa posisyon para mangialam sa desisyon nun."
"So umpisa pa lang alam mo na?" napatayo na rin si Tiffany sa kinauupuan niya.
"Kailan pa? Wala bang magtatanong ng ganun sa'kin? Oo alam ko na. Hindi mo pa pala alam na bago pa man magpasukan, nagkakilala na kami. Remember guys? I've seen her personal infos before."
"You've seen her infos before?"
"Yupp. Centau, naalala niyo pa naman ang parinig ko noon diba?(Encounter sa Play Day) It happened nung enrollment. Remember nung antagal kong nakipagchismisan kay Ma'am Floy? That's the time when I met her. Hello? Ulyanin men? Binatukan niyo pa nga ko dahil dun eh! Isa pa, eh ano bang kaso kung nagpakasal na siya? Buhay naman niya yun. Gagawin pa bang issue yan samantalang ang dami na ngang kasong mas malala pa diyan. Tsaka di porque kasal na, tapos nakikipaglapitan sa ibang lalaki slut na. Nakakainis kayang pakinggan Tiffany. Sure ako hindi mo magugustuhan yang word na yan kung ibabalik ko sayo. Don't judge others. Gusto mo bilhan kita ng judge? Tara na kapederasiyon. Next time balitaan mo uli kami ng alam mo na... Medyo bago pa. Hindi yung remake." Nauna nang lumabas si Julian sa cafeteria.
"Sige Tiffany." Paalam ni Brent kay Tiffany bago sila umalis sa harapan nito. Naiwan lang siyang nakatayo doon. Hindi niya maiwasang ikuyom ang kamay.
Nakakainis! How could this happen to her? Ilang beses na siyang napapahiya and all because of that Oshien girl? She swear! She'll definitely think of some way to make her life more interesting than what she was expecting for!
*^*^*
"Oy Pre, alam mo na palang may asawa si Oshien, nilalapitan mo pa rin?" sabi ni Kelven habang nakaakbay pa dito. Dumiretso sila sa garden pagkatapos manggulo ni Tiffany sa cafeteria.
"Eh ano? Nasa law na ba ng bansa ngayon na kapag nakapag-asawa na ang babae bawal na dumikit ang ibang lalaki? Style niyo. Anong masama dun? Kayo lang nagbibigay malisya."
"Oo nga naman."
"Go Ben Tennison! Pagtanggol mo 'ko pagtanggol mo 'ko!"
"MJ ang ligalig mo."
"May asawa na pala yun.. Married? As in Kasal?"
napatigin si Julian kay Jesrell. Nakahanap na naman ng pagtitripan.
"Hindi tali. Jesrell? Married na nga kasal pa? Abnuy ka? Ayaw ng english gusto pa tagalog. Bakit nanghihinayang ka? Sorry ka taken na yung tao."
"MJ ano ba?! Parang ikaw hindi nanghihinayang ah! For sure type mo rin si Oshien kaya mo nga pinipikon diba? Feeling close ka pa! Kala mo ako lang? Ikaw rin!"
BINABASA MO ANG
Let's Play! Husband and Wife!
RomanceI'm Bored "Let's play" "No idea." "Let's Sing" "Not interested" "Let's talk" "No topic" "Let's make" "No Thoughts" "I have" "Spill it" "You're bored?" "I am" "Go to church" "Then pray? " "And Marry Me Later."