Kabanata 18: Purposeless Tears

35.6K 1.2K 166
                                    

|| Dessy Leondale’s Point of View ||

Saktong recess pa naman at walang ginagawa sa classroom. Absent si Tim, may kailangan na naman silang puntahan ng Daddy nya para sa business trip.

Si Duri naman tsaka si Cal, mamaya pang lunch ang pasok. Hindi ko alam kung saan sila palaging nagsususuot pero isa lang ang alam ko, on-job na naman sila. Nakikipagpatayan.

Napapailing na lang tuloy ako habang tinatahak ang paborito kong pinakamataas na building sa BSU—ang Sapphire Building.

Naging paborito ko na itong tambayan maliban sa Big Doom namin ni Tim noong Junior High pa lang kami. Mula kasi dito sa pinakaroof top ng Sapphire building, makikita mo ang napakalawak at napakagandang kabuuan ng BSU. Masarap din ang hangin dito sa taas kaya siguro malimit ko itong puntahan—hindi na nga lang nitong mga nakaraang araw, iba na ngayon.

Pagkarating ko sa roof top, isinaksak ko ang head set na aking dala tsaka pinatugtog ang isa sa mga paborito kong kanta, I Think of You by Taj Jackson.

Inilibot ko ang aking tingin habang nakatayo malapit sa railings ng rooftop.

Bahagya akong pumikit para damhin ang kanta pati na rin ang hangin na humahaplos sa aking balat.

Ang lamig.

Malamig kahit alas nuwebe na ng umaga. Nagmulat ulit ako ng mga mata at akmang itataas ang dalawang kamay nang biglang may humawak sa aking balikat at paharapin dito.

“Dess...”

Nang makaharap, nagulat ako sa ginawang paghawak ni Ken sa dalawang balikat ko ngunit mas ikinagulat ko nang marahan niya akong isandal sa railings ng rooftop.

Kunot-noo ko siyang tinignan. Inalis ko ang dalawang wire ng head set sa magkabila kong tainga at tinignan ito sa mga mata.

“Ken? May problema?” Tanong ko.

Hawak pa rin niya ako sa dalawang balikat pero magaan at sinisigurado niyang hindi ako masasaktan.

Hindi s’ya sumagot sa halip, nakipagtitigan lamang ito at parang kinakabisado ang bawat linya ng aking mukha.

Napalunok ako at dahil sa tagal ng pagkakatitig niya. Parang naasiwa ako sa kaniyang ginagawa.

“Ken?” Muli kong tawag sa pangalan nito.

Dahan-dahan kong inalis ang dalawang kamay nito sa aking balikat. Hinayaan naman niya ako.

Bahagya akong ngumiti dahil parang naiintindihan ko na kung bakit siya nagkakaganito.

Tumalikod ako sa kanya at naghanda para sa itatanong. Ramdam ko pa rin ang presensya at ang pagpukol niya ng tingin sa’kin.

Wala akong ideya kung anong nangyayari sa kanya ngayon pero ayon sa nakita ng dalawang mata ko, namumula ang ilong nito at parang basa ang mga pilik ng mata.

Hindi kayaumiyak ang lalaking ito?

Napangisi ako dahil sa ideya. Inabala ko ang aking tingin sa ibaba ng rooftop at bumuntong-hininga.

He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon