Nagmahal.
Nahulog.
Sinalo.
Binitawan.
Nasaktan.
" It's not you, it's me."
Hindi ko inakalang maririnig ko ang mga salitang yan sa bibig mismo ng taong PINAKAMAMAHAL KO.
Sa mga palabas at sa libro ko lang nababasa at naririnig ang linyang iyan. Ang sakit pala sa personal Tch.
Para akong tinulak padausdos sa lupa ng mga katagang iyon. Hindi ko maigalaw ang katawan ko na parang may malalim na sugat sa lahat ng parte.
"Hindi kita maintidihan"
Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para masabi iyon.
"I d-don't love you anymore"
Umihip ang malakas na hangin at dumaan pa ang ilang minuto ngunit walang salita ang lumalabas sa bibig ko.
"H-hey aren't you going to talk? I-i said that I d-don't--"
"Narinig ko."
Walang emosyong tugon ko.
Nagitla pa siya sandali at saka muling nakabawi."Then w-why aren't you answering?"
"Because I don't know what to say." Pilit kong kinakapa ang nararamdman ko pero wala. Wala akong maramdaman ni isa. Parang namanhid ang buong sistema ko.
"D-don't be like t-that."
"What do you want me to do then?"
Bigla akong nakaramdam ng inis at hindi ko iyon mapipigilan kung itutuloy pa namin to.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at saka tumingin ng diretso sa mga mata niya at natigilan naman siya.
Bumuntong hininga pa ako bago sumagot
"Okay"
'Kung ito ang gusto mo'
Tumalikod ako at nagsimulang lumakad palayo.
Palayo sa kaniya.
Sa taong nagparamdam sa akin ng pamamahal. Sa taong pinagkatiwalaan ko ng aking puso. Sa taong lubos kong minahal pero nagawa akong saktan at iwan.
At sa bawat hakbang na ginagawa ko ay may pangako sa sariling hindi ako lilingon.
'Hindi na'
He made me like this.
He made my heart like this
'Ang pag ibig ay parang pagnguya ng bubblegum na sa una ay matamis at habang tumatagal ay pumapait.'
Natawa pa ako sa naisip ko
Sinipa ko yung maliit na batong nasa harap ko at sinundan ito ng tingin dahil may naalala ako.
'Sinaktan na, ganon pa rin'
Pinakiramdaman ko pa saglit ang pintig ng puso ko at natawa sa pakiramdam na tumigil ito sa pagtibok.
'My heart is like a stone cold now.'
YOU ARE READING
Hotter Than Cold
Teen FictionThis story makes you Inlove, cry, laugh and of course BITTER