Destiny, fate at meant to be.
Tatlong salita na nagpapatunay sa mga pag - iibigang muntikan ng maging sawi.
Tatlong salita na halos pare - pareho lang naman ng kahulugan pero magkakaiba daw.
Hindi ko alam kung dapat bang matawag na tadhana ang nangyari samin dahil pinilit ko lang naman lahat.
Mahirap kasing maghintay ng matagal at umasta na parang walang nangyari.
Kailangan kong makisabay sa lahat kung ayaw kong lumubog dahil sa pagiging mahina ko. Nahubog man ako ng mga magulang ko upang mas maging malakas, mahina pa rin ako.
Marami na akong naipundar at naipagmalaki pero malaking bahagi pa rin ng buhay at puso ko ang kulang. Kung uunahan ko ba ang tadhana sa magiging desisyon nito, magiging masaya pa ko o mas magiging miserable pa?
Gusto ko lang naman sumaya pero ngayon, gusto ko panghabang buhay na. Mahirap ba talagang ibigay ang kaligayahan sa isang tao na walang ibang ginawa kundi magmahal at magsakripisyo?
Written by: dazzledeyez
BINABASA MO ANG
When a Gangster Becomes a Real One
Teen FictionAkala ko tapos na. Akala ko maayos na. Pero paano kung sa pagbubukas ng panibagong yugto ng buhay ko ay mas maging komplikado pa ang lahat? May dapat pa bang maungkat sa nakaraan o may mga bagay na mabubuksan pa dahil sa hinaharap? Maling maniwala s...