Hi guys! First time ko po ang pag-post ng kwento dito, kaya hindi ko po alam kung papaano makakarating sa mambabasa ang kwento ko. Hindi po ako writer, o kung anumang propesyonal na manunulat. May blog ako, oo, pero hindi naman yun formal way para masabi na isa kang manunulat.
ANYWAY, tungkol ito sa isang babaeng may crush sa (of couse!) isang lalake. Wala lang, na-inspire lang akong isulat at i-share ang kwentong ito.
Si Joey ay isang tipikal na babae. Masasabi mo sya na isang modernong MARIA CLARA (sa hindi nakakakilala kay MARIA CLARA, magbasa ng NOLI ME TANGERE!). Mahilig din syang lumabas kasama ng mga officemates at high school at college friends. Ayaw kasi nyang maramdaman na sa opisina lang umiikot ang mundo nya kaya kapag may pagkakataon na makalabas, ay hindi nya ito tinatanggihan (maliban na lang kapag may nararamdaman na syang sakit, ibang usapan na yun!).
JOEY’s P.O.V.
“Hoy, JOEY, i-post mo nga ito sa pintuan..” narinig nya ang kanyang manager na inuutusan sya. Masigla naman nya itong kinuha at binasa bago makarating sa may pinto.
“NOW HIRING:
Male, 20-25 yrs. old, single
With pleasing personality.
BLAH,BLAH,BLAH,BLAH…..”
(tamad magsulat ng detalye ang writer…hehehe)
“uy, hiring na, buti naman at mababawasan na ang trabaho natin!” kwento ni joey kay marie. Si Marie ang pinaka-close kay joey, dahil bukod sa magkapitbahay ang dalawa, ay magkaklase sila nung college at sabay silang nag-apply dito. “hay salamat at nakaisip din mag-hire ng papalit kay maurice.” “matagal-tagal din na walang kapalit yun!” kwentuhan ng dalawa habang nagtatrabaho.
Sa isang convenient store nagtatrabaho si joey. Maliit man ang pasweldo ay hindi naman dito contractual. Kaya mas pinili na dito ni joey magtrabaho dahil sa ayaw na nyang paulit ulit na kumuha ng kung anu-anong clearance.
“Good Afternoon po sir!” bati ni joey habang napatigil sa pagkukwento kay marie nung may lumapit na lalake sa harap nya. “nabasa ko yung nakapost sa pinto, interesado akong mag-apply.” Pagpapaliwanag nung lalake. “may dala ka bang resume?” tanong ni joey. “ito po…” habang abalang naghahalungkat sa bag yung lalake. “sandali lang ha…” habang lumabas at hinahanap ang supervisor na naka-duty. “sir, may aplikante po sa counter.” “kunin mo na muna yung resume at iba pang requirements kung dala nya.” Paglalahad ng supervisor.
Lumapit na ulit si Joey sa lalakeng aplikante. “Anu pa ang dala mo bukod sa resume?” “wala na po eh, resume lang dala ko.” “sige, akin na yan, tetext ka na lang kung kelan ang exam.” “OK po…” at lumabas na ang lalake sa store.
“Uy, gwapo yung aplikante joey, patingin nga ng resume nya?” habang kinukuha yung folder na hawak ni joey. “ayan o! baka magusot, at wag mong katitigan, baka mabasa ng laway mo, ayan o tumutulo na! hahahaha” “bakit, di mo ba napansin yung mukha nya?” “hindi e…tsaka may iba akong kutob sa lalakeng yun…ewan!” “baka crush mo?” kantyaw ni marie sa akin. “di no?! negative vibes ang dala nya sa kin, panong magkakacrush ako dun?” “ah basta may hitsura yung kapalit ni Maurice!” “i-push mo yan ‘teh! Hahahaha” pang-aasar ni joey.
*After 2 weeks*
“mukhang marami-rami na ang applicants natin. Ilan na ba ang nagpasa ng resume?” tanong ng manager sa supervisor. “may lima na po ditong resume, bale lahat naman pasado sa hinihinging requirements.” Pagpapaliwanag ng supervisor. “Sige, akin na ang mga CP number ng mga yan, at itetext ko na.”
“Hoy Joey! Bukas na ang dating nung crush mo.”
BINABASA MO ANG
Si Crush
RomanceAng istoryang ito ay pawang kathang isip lang ng manunulat. Tungkol sa isang babae na nagngangalang Joey na BFF ni Marie na may crush kay Mark na may gusto kay Joey na gusto rin ni Vincent. Ok nakakahilo ba? well, basahin nyo na lang. (",)v