application

11 0 0
                                    

“Hoy Joey! Bukas na ang dating nung crush mo.” Bati ni marie kay Joey. “Sinong crush?wala naman pati akong inaasahan bukas?” pagtataka ni Joey sa bati ni marie. “Eh, bukas na daw ang exam nung mga applicants eh.” “So?ano namang kinalaman ko sa exam ng mga yun?” “wala, wala kang kinalaman sa exam ng mga yun!” Pang-aasar ni marie kay Joey. “Ewan ko sa ‘yo. O, iabot mo ito dun sa nasa counter.” Utos ni Joey.

Kinabukasan

“Ah, Joey, paki-usher naman ng mga applicant sa conference room. Doon na lang sila mag-exam.” “Sige po sir!”

At, sabay sabay na hinatid ni Joey ang 5 applicant. Habang naglalakad ang 6 ay narinig ni Joey ang bulungan nung 2 lalake sa kanyang likod. “Kuya, magkakilala kayo?” tanong ni joey dun sa isang lalake. “Opo ma’am!” “Naku kuya, wag mo kong mina-ma’am dyan, dahil ‘pag na-hire ang isa sa inyo ay magkaka-level lang tayo!” “Ay, ok po miss. Ano pong pangalan nyo?” “Joey” tipid na sagot ni joey. “Ako nga pala si vincent.” Habang nilalahad ang kanyang kanang kamay. Kinuha naman ito ni Joey tanda ng pakikisama nya sa mga ito. “Miss Joey, ang ganda mo po talaga!” Nagulat si Joey sa sinabi ni vincent at agad namang binitawan ang kamay. “Wag mo nang ilakas, kita na, sinasabi mo pa.” pang-gu-good-time ni Joey sa mga ito. Nangiti naman ang iba pa nilang kasama hanggang sa makarating sila sa Confernce room. “Dito na muna kayo, antayin nyo na lang si Manager para sa ibang instructions. Good Luck!” at agad na tumalikod si Joey sa mga ito. lakas mambola nung vincent na yun ha! sabi ni joey sa sarili bago makarating ng counter.

“O, kumusta na si crush?” bungad ni marie. “Alam mo, kung natatanggal lang itong barcode scanner, naisalaksak ko na ito sa bibig mo.” “Init mo ‘teh! Anung meron?” “yung isang applicant, vincent ang pangalan, binobola na ako. Akala naman nya, magpapabola ako. Hmmp…” “oo na, ikaw na ang mapang-bara, at ako lang ang kayang bumara sa ‘yo! Hahahaha” at sabay na nagtawanan ang dalawa. “Huy!, wag kalaksan, lalabas na ang gilagid nyo sa bungisngis nyo.” Pagsasaway ng supervisor.

Natapos na ang exam ng 5. “Brad, ang hirap pala ng exam. Puro MATH, bobo ko pa naman dun!” “Ayos lang sa’kin yung exam, medyo complicated lang ang tanong kaya nakakalito kung babasahin.” Pag-eencourage ni vincent sa kasama nyang applicant. “Hi, Miss Joey” sabay wave kay Joey na nakangiti. Siniko naman sya ni marie dahil hindi nya pinansin si vincent. “hui, Hi daw oh. Haba ng hair! Ay shet, may natapakan yata akong buhok dito.” “Gaga!” habang nakangiti kay vincent. “Ayun si crush, nakatingin sya saken!” “Landi much?! Matakot ka sa boyfriend mong bouncer sa Continental!” (alam nyo ba na ang Continental Bar ay isa sa pinaka sikat na bar sa kanilang lugar na kathang isip lang ng manunulat – kuya kim version :D) “oo na, ikaw na single, dami mong suitor, wala ka namang lover!” asar ni Marie. “Atleast, I’m free for everyone. Hahahaha” “maka-free ka dyan, anu ka na sa ilalim ng tansan? Baka try again ang peg mo. Hahahaha” kantyawan ng dalawa.

“Mukhang 3 lang ang nakapasa sa exam.” Kwento ng supervisor kina Marie at Joey. “talaga sir, eh ok lang po yun, isa lang naman ang kukunin di ba?” pagkukwento ni Marie. “Sabi ni manager, 2 na daw, inaprobahan na ng Operations Manager yung recommendation ni sir.” “E di maigi, para naman hindi na laging overtime pag uma-absent ang isa.” Sabi ni Joey. “yun nga yung reason ni sir kung bakit 2 na iha-hire nya.” Pag-sang-ayon ng supervisor. “ayos yan sir. Sana hindi pasaway ang ma-hire ni manager.” 

Si CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon