Chapter 1

16 0 0
                                    

Chapter 1 The Encounter
Eury's POV

"Babe! Sandali lang, maghintay ka naman" Ang ingay talaga ng lalaking to'. Ang sarap hambalusin ng dospordos, kasira ng araw e.
Andito ako ngayon sa Zeddrieno Company, actually pauwi na ako kung hindi lang sunod ng sunod tong panget na to, na kanina pa habol ng habol. Mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko para makaalis na ng hallway, Jusko kanina pa siya ganyan mula sa office naririndi na ako-

"Eurydice Ann Mendez ! Hintayin mo naman ako ng sweetie!" sabi ng loko. Aba talagang nangiinis siya ah. Hindi ko yon surnme pero surname niya yun! Ang kapal talaga ng mukha niya ang sarap patayin. Hinarap ko siya dahil alam kong nasa likod ko na sya.
"Ayan! Masyado ka kasing makulit iritang irita na ako lam mo yon? Pwede ba!? Naiirita na ako kaya lumayas lumayas ka na. wag mo na akong susundan dahil hindi lang yan ang aabutin mo. Bwisit ka:"
Gigil kong sabi sa kanya pagkatapos ko siyang sapakin sa mukha. Tumalikod na ako at tumakbo palayo, habang hawak hawak niya pa din ang pisngi niya sa pagkakasapak ko sa kanya.

"Mahal pa din kita babe kahit palagi mo kong sinasaktan!" Pahabol pa ng loko. Tse bahala siya.
Tumigil ako at nilingon siya. Hawak hawak niya pa din ang pisngi niya na sinapak ko. Naawa naman ako sa loko, at nakonsensya kaya nilapitan ko na sya kahit ayaw ko. Bwisit na yan. Tumakbo ako at nilapitan ulit sya.
"Napaka arte mo naman! Patingin nga ako!" Laking gulat ko nung makita kong nadugo yung pisngi nya na sinapak ko dahil sa singsing kong gamit
"Ang sakit kaya babe. Bakit kasi ganyan yung suot mong singsing" malumanay niyang sabi. Nakakaawa talaga. Akala niya naman tatalab sakin yun.

"Bwisit ka kasi e! Sunod ka ng sunod! Halika na sa clinic"

"Ano sabi mo? Halikan na?"

"WHAT THE HELL!? Bwisit ka bahala ka sa buhay mo!" Gulat kong sabi. At akmang lalayasan sya ng bigla niyang hinigit ang braso ko.

"Joke lang babe, tara na kiss na - ay joke lang ulit. Tara na sa clinic" Nakakabwisit na talaga kung hindi lang ako nakokonsensya sa ginawa ko sa kanya baka dinagdagan ko pa yan ngayon. Hinigit ko yung braso ko at gumiyak patungong clinic.
Naramdaman ko namang nakatayo lang sya at tulala habang hawak yung pisngi nya kaya nilingon ko siya.

"Ano pabebe ka pa talaga!? Lumakad ka na!" Atsaka lang natauhan ang hunghang.

*Clinic*

Pagdating naming sa clinic humingi agad ako ng first aid kit sa nurse. Nag insist pa yung nurse na sya na daw pero humindi ako. Ako may kasalanan nito tapos ipapasa ko sa iba medyo makonsensya naman ako. Pati panigurado gusto lang nun na tsansingan tong si Knight eh.

"Aray naman! Sinaktan mo na nga ako kanina hanggang ngayon ba naman babe?" Napaka landi talaga ng bwisit na to. Di ako nag salita pero diniin ko konti yung bulak na may alcohol. Kaasar eh.

"Aray na talaga! Ayoko na please" ambang tatayo siya kaya nagsalita na ako.

"Eh ang landi mo kasi. Manahimik ka na lang dyan. Nililinis ko lang tong sugat mo. Pag nainis ako sayo dadagdagan ko pa to"

"Eto na boss tatahimik na. Ayoko naming dagdagan pa ng sugat yung gwapo kong mukha. Mababawasan yung kagwapuhan ko nanaman. Pero di naman mababawasan - Aray ko! Sorry na shut up na ako"

Diniinan ko pa lalo kasi naiirita na talaga ako. Ang daldal. Aircon naman na ditto sa clinic masyado pa syang mahangin.

*Ring Ring Ring*

Nagulat ako dahil biglang may tumatawag. Ghad baka si Rain na yun. Lagot ako kasi 4pm na wala pa ko sa condo, eh maglilinis pa kami. Kaya dali dali kong kimuha yung phone ko sa bulsa.

*Rain Calling...*

Sabi na eh.

"Hello Rain"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon