"Woy, pangit!"- tawag ni Sai kay Brent.
"Bakit mas pangit?" asar na saad ni Brent
"Ito, pikon ka? Kapag ikaw nang-aasar d'yan. Yaan mo na nga. Anong class ka?"
"Umagang umaga kasi. Wala pang good morning, pang aasar agad? Sa Allegro Section ako. Bakit ba? Ikaw?"
Magkalayo tayo ng class. Andante Moderato ako. Sa babang building." -medyo nanlulumo na sagot ni Sai. "Pwede kaya ako magpalipat sa section nyo?
"Di porket top 2 ka sa auditions, ganun ka na kadali magpaalam sa head ng school"
"Wala naman ako kakilala dun sa section na 'yun"
"Edi makipag kaibigan ka. Huwag kasing mataray. 'Yang mata mo, ayusin mo."
"ano ba problema mo sa mata ko? Di ka naman inaano e." pagtatampo ni Sai. "Mauuna na ako sa room." - padabog pa itong umalis
"Ayusin ang mukha. Ngumiti. Ganda ganda mo e."
"Che!"
________________________________________________________________________________
Sa Andante Moderato...
"Hi, Sai!" - saad ng isang babae.
Pero hindi agad napansin ni Sai, kasi nakayuko s'ya.
"Snobera naman. Porket top 2 sa auditions." Saad ng isa pang babae.
"May sinasabi ba kayo?" - tanong ni Sai.
"May nag-hi kasi sa'yo, di mo pinansin." Saad ng isang lalaki.
Napalingon si Sai sa nagsalita. Parang familiar sa pandinig n'ya.
"Hindi ako pwedeng magkamali. Kilala ko ang boses na 'yun." - Sai
"Oo nga e. Hindi ko narinig. "- saad ni Sai dun sa lalaki, "Hi din" - sabi ni Sai dun sa babae.
"Mabait nga kasi s'ya. Makapanira naman 'to" - saad ng isa.
At nag kanya kanyang usap na ang iba.
Si Sai ay nakatingin dun sa lalaking nag-salita kanina. Medyo familiar sa kanya 'yung lalaki pero hindi n'ya matandaan kung saan n'ya nakita, nakausap, or basta. Familiar sa kanya, pero hindi n'ya maalala.
May biglang nag flash back sa alaala n'ya.
Lalaking may kausap sa phone.
"Baka nga hindi ako singer. Baka nga hindi ako katulad n'yo, Mom. If I can't be a singer, marami pa namang iba d'yan. Kalilimutan ko na lang ang pagkanta."
"Gusto kong kausapin ang lalaking 'to. Ang bilis naman panghinaan ng loob. Gigil ako a." - sabi ni Sai sa sarili.
Inaalala pa din ni Sai ang mga pangyayaring 'yun, nang biglang dumating ang adviser ng klase nila.
Si Mr. Caleb Yoo. Isa s'yang batikan pagdating sa music industry. He's into contemporary RnB, Synthpop, Experimental Music at marami pang iba. Ganun s'ya ka-talented at marami na s'yang na-produce na kanta.
YOU ARE READING
String Attached By Sweetest Harmony 💕🎶 (ON HOLD)
Aktuelle Literatur(ON-GOING) Do you believe that music can change man's perspective? Do you agree that opposites do attract? Do you believe in every love story, there's music in it? Abangan natin ang kwento nina Sai at Seth. 😍 Any scene, names, and places mentioned...