Paasa..Pa-fall (her side)

50 4 0
                                    

Sa panahon ngayon, JOKE na ang totoo at PROMISE na ang pangloloko.

First day of school, mabilis akong nagbihis kasi ayokong ma-late. Agad agad kong kinuha ang back pack ko at kumaripas ng takbo papunta sa school.

Pagdating ko ay hinanap ko ang pangalan ko kung nakasulat ba ito sa Coupon bond na nakadikit sa loob ng gate. Halos lahat ng section ay nandoon, pero yung pangalan ko ay wala. Napansin ko na nawawala yung isang section doon,ang 9-C.

Nag ring ang bell at hudyat na ito para pumila para sa gaganaping flag ceremony. Syempre dahil hindi ko alam ang section ko, hindi ko din alam kung saan ako pipila. Hanggang may nakita akong nagtaas ng 9-C na nakasulat sa papel.

Pumunta ako don ng hindi tinitignan ang dinadaanan ko. Bigla akong natumba dahil may nakabunggo ako. Inis na inis ako dahil pinagtitinginan ako ng estudyante dito. "Sorry po" paumanhin niya sa akin. Tinarayan ko lang ito at umalis na ako. I myself don't want to waste time with none sense people. Pasensya na at maldita type talaga ako sa mga hindi ko kilala.

Doon kita unang nakita and definitely hindi lang pala yon ang una't huling beses na makikita kita kasi naging kaklase pa kita. Argh! Kung minamalas ka nga naman!!

Umupo ako sa unang row kung saan may matabang tumabi sa akin. Mataba siya na kulot ang mahaba niyang buhok. Nakajacket din siya at yung sleeves ng arm niya ay abot hanggang kamay niya kaya hindi na makita yung mga daliri niya.

What's with this girl?

"Hai" bati niya sa akin. Sinuklian ko lang siya ng ngiti dahil di ko siya type kausap. Masyado siyang FC. "Dito ka ba nag aral nung grade 7&8?" Tanong na naman niya. Tumango lang ako,at ngayon nagsisisi na ako kung bakit ako tumabi sa kanya. 

Lumipas ang oras at dumating ang guro namin. "Where is Mr.Tamondong?" Tanong niya pagkapasok. Ewan ko pero parang biglang nagwala yung puso ko. Siya ang ultimate crush ko since grade 7. Medyo makulit siya kaya palaging napapa-call parent. Hindi ko nga alam kung ano yung nagustuhan ko sa kanya eh..wala naman sa kanya ang katangian ng lalaking gusto ko pero nung makita ko siya, parang lumitaw ang puso sa paligid.

Recess time na at mamaya ay may mass. Lumipat ako ng upuan malapit sa mga kakilala ko. Hindi namang masama na maging FC din kahit minsan. Ayaw ko kasing katabi si Ms.FC girl na madaldal with long curly hair and fat body. Well,dahil nagpakilala naman kami isa isa kanina, according to her.. Kim Mostoles daw ang pangalan niya. Well,as if I care.. duh..

Pero nagkamali na naman ako dahil naging one of a kind friend ko siya with Ashley..Naging friend ko din siya dahil sa pag elect niya sa akin pero di naman ako nananalo.

Lumabas kami para sa gaganaping mass. Bitbit ang wattpad book ko ay umupo kami sa likod. At dahil na bobored ako, nagbasa nalang ako. Pero may kumalabit sa akin. Lumingon naman ako para tignan kung sino ito. "Hi miss,anong pangalan mo?" Nakita kong nakangiti yung dalawa habang nakatingin pa rin sa harap.  What's with that smile, huh?
"Ashley ang pangalan ko hehehe.." tanging nasabi ko nalang. Pero in fairness.. fugee ah..

After nung mass, pinakuha sa akin ni mam adviser yung mga notebooks sa faculty. At dahil maganda ako, kinuha ko na. Hindi ko pa kilala ang mga kaklase ko non at pili lang ang kilala ko kaya sinisigaw ko nalang yung pangalan nila. Na distribute ko na lahat at may isang notebook nalang ang natira. Raizer Lance Santos.At dahil hindi ko siya kilala, sinigaw ko ang pangalan niya. "Ako po yan." Ahh..si kuyang fugee pala na nagtanong ng name ko. Binigay ko sa kanya yong notebook niya. "Thank you...ano ang ulit yung pangalan mo?" Tanong niya sa akin. "Chanelle Roz Mendez" I replied

Time,days and months passed by... naging close tayo dahil magkatabi tayo ng upuan. Anjan ang biruan,landian at syempre ang harutan. Halos hindi ako makatulog sa gabi dahil sa butterflies na nararamdaman ko sa aking tummy pag naalala kita. Tuwing uuwi,at wala akong payong, anjan ka handang magdala ng malaking payong para sa ating dalawa. Ang mga matatamis mong salita na nagpapatibok at nagpapamula sa pisngi ko at ang kagwapuhan mong tumunaw sa aking puso.

I don't know but one day my heart said that I'm inlove with you. Minsan nga sinusungitan nalang kita dahil sa lines mo na corny pero kinikilig pa rin ako.

"Sige ganyan ka lang, kapag mag asawa na tayo aawayin mo lang ba ako palagi?" O siya siya, ang corny diba pero madalas akong nabibingi dahil sa lakas ng pintig ng puso ko.

Pero lahat ng yan nabura nang dahil lang sa kalandian ng isang babae. I thought it was just a game pero umamin siya sa akin na gusto talaga niya ito. Lahat ng mga masasayang alaala ay hinigop ng hangin at bigla nalang tumulo ang luha ko.

Kung alam ko lang na maiinlove ka sa isang laro,edi sana dati pa ako nakipaglaro sayo. Edi sana nasa akin ang pagmamahal na binibigay mo sa kanya ngayon.

"Sorry." That was just a one word but it hurts me a lot. I don't know why... maybe because he's not mine anymore or maybe because he just used me for Pete's sake. Mababawi ba ng sorry mo ang dating tayo? Maibabalik ba niyan ang unang pagkakataon na nag aalab tayo sa kasiyahan?

"Lahat ng sinabi ko sayo ay hindi totoo. Ginamit lang kita para pagselosin siya at ngayong nakuha ko na ulit siya. Papakawalan na kita. Maaari ka ng lumaya mula sa pagmamahal na binigay ko sayo."

Ang tanga ko dahil umasa ako sa mga sinasabi mo sa akin. Ang tanga tanga ko. Naniwala ako sayo.

Naniwala ako sa isang paasa't pa-fall na lalaki. At dahil don,broken hearted ako for the first time in my life.

Paasa...Pa-fall(her Side)Where stories live. Discover now