Chapter 18 - Freya

1.3K 48 0
                                    

Freya David's P.O.V

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Naalimpungatan nalang ako ng marahan akong tapikin ni Danreb.

'Freya, nandito na tayo. Wake up.' Sabi niya pa.

Pagdilat ko ng mata, nakita kong nakasandig pala yung ulo ko sa balikat ni Danreb.

Umayos ako ng upo at nag sorry lang ako then tumayo na para bumaba ng plane.

Pagbaba na pagbaba ko, nanlamig agad ako. Nakalimutan kong isuot ang jacket ko.

Napayakap ako sa sarili ko dahil sa sobrang lamig, dahan-dahan akong bumaba sa hagdan ngumit sa hindi ko inaasahan na hawakan ni Danreb yung balikat ko para mahinto ako sa paglalakad at inilagay ang jacket niya sa balikat ko para masuot ko.

'E-eh? T-thankyou..' Sabi ko at nagmamadali na akong maglakad.

Gustuhin ko man na ganoon kami parati pero alam ko sa sarili ko na panandalian lang yan.

Kaya habang maaga pa lang, iiwasan ko ng mahulog sa kanya. Para kung sakaling tuluyan niya na akong iwan ay kaya ko parin tumayo galing sa pagkakalugmok.

Magkasama kami sa vann pero hindi kami magkatabi.

Pupunta na kami sa isa sa mga bahay namin dito sa State.

Habang nasa byahe pinili ko nalang matulog at magpahinga, alam ko kasing mahabang araw ang nagaantay sakin paggising ko.

--

Nagising ako sa pagtapik ng isa sa mga maid namin dito sa State.

'Ser, gising na po. Nandito na po kayo.' Sabi ni Ate Shiela.

Isa sa tagabantay at matagal na naming kasambahay dito sa state.

Lumabas na ako ng vann dala ang iba sa mga gamit ko.

Pagpasok ko ng bahay, ganoon parin ito, wala paring pinagbago. Maaliwalas at tanaw sa lugar ang mga bundok. Napaka-relaxing ng lugar na 'to.

Namataan kong nagpapahinga si Danreb sa sofa.

Kaya dumiretso ako sa kusina para ipaghanda siya ng kape man lang.

Gusto sana ni ate Shiela na siya na ang gagawa ngunit gusto ko kaya wala siyang nagawa.

Pagtapos kong pagtimpahin ng kape si Danreb dumiretso agad ako sa living room pero pagdating ko don wala na si Danreb.

Siguro umakyat na yon sa kwarto niya.

Umupo ako sa sofa at ako nalang yung uminom ng tinimpla kong kape.

Habang umiinom biglang nag ring yung phone ko.

Agad ko itong kinuha at nakita ko sa screen na si Mommy yung tumatawag.

Sinagot ko naman ito.

'Hello Mom?' Bungad ko dito.

'Hi son, hows your stay there?' Tanong agad ni mommy.

'I'm, I mean 'were' doing fine. Bakit ka pala napatawag 'ma?' Pagtataka ko dito.

'Napatawag ako kasi na move yung date ng kasal ninyo. Na move siya ng 2 weeks, So sa July 22 yung kasal ninyo.' Paliwanag ni Mommy.

Nagulat ako kasi bakit biglaang na move.

'Okay mom, I understand. How about Danreb? Did you already told Danreb about this?' Tanong ko kay Mommy.

'His mother will be the one to talk to him. Anyways, son. Danreb will be the one to manage the companies there for awhile. Total hindi pa naman kayo ikakasal.' Saad ni Mommy

Memories Afterall (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon