Out of My League

204 7 3
                                    

Out of My League

---------------------------------

 Prologue

Ang love daw, basta lang dumadating. Yung sa panahon na ‘di mo aakalain na magmamahal ka. Tapos dun sa taong di mo aakalaing mamahalin mo. At kadalasan naman, sa maling sitwasyon pa.

Sabi din nila na pag nagmamahal daw, laging kasama si heartache. Partners daw sila ni love eh. Love & Heartache. Ganoon pala yun? 

 Ako si Lyka. Nagmahal ako sa isang lalaki ng sobra pero nasaktan naman sa huli.

Alam mo ba yun? Ang hirap magmahal ulit pag nasaktan ka na ng sobra, lalo na kung ang nakapanakit sayo ay ‘yung taong minahal mo talaga ng lubusan. Lahat ng oras at panahon, halos inukol mo sa kanya, na ‘yung puso mo ay nasa kanya na. Pero ang isusukli nya lang sa’yo ay yung puso mo na wasak na wasak. 

“Love is a sensation that magically generates when Mr. or Ms. Right appears.”

Love bang matatawag yung nagmahal ka sa isang tao; taong nagparamdam sayo na mahal ka n’ya pero yun pala sasaktan ka lang sa bandang huli?

Bakit pa tumitibok ang puso para sa isang tao kung hindi naman pala s’ya ang destined para sayo? Kaepalan eh.

Nakakainis lang. Nakakainis kasi isa ako sa biktima ng maling pag-ibig na inakala ko’y tama. Nagmahal at nahulog sa maling tao. Kaya ayan, may scar na si heart. 

Ayoko na ulit magmahal. Kasumpa sumpa ang pag-ibig.

Pero…

Pero…

Pero pano kung dumating yung taong totoong magmamahal talaga sakin? 

Kayanin ko kayang buksan ang puso ko at wag nang matakot magmahal ulit?

------------

Hello! =)) First story ko po here in Watty.  =)))) 

Votes and Comment please. =)

------------

 x

Out of My LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon