Nakasunod lang ako sa likod ni Lexell at papasok na kami ng conference room.
Nadatnan namin si Pamela na nakaupo sa isa sa mga upuan sa conference table katabi nito ang babae na nasa edad 30's at sa tingin ko ay manager niya.
Agad tumayo si Pamela at sinalubong ng halik si Lexell at parang gulat din ito sa paghalik ng modelo sa kanya sa harap namin. Woooahhh PDA?? Napako na lang ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anu ang mararamdaman ko. Biglang nag pop-up sa isipan ko ang panghahalik niya sakin sa sasakyan.
Syete...hinalikan niya ako kanina tapos ngayon iba na naman ang kahalikan niya. Alam kung wala akong karapatan na magalit o magselos dahil hindi ko naman siya boyfriend at naisip ko rin na natural lang na maghalikan sila ni Pamela dahil inamin na nito nung ininterview siya na nagdedate na sila ni Lexell. Pero may kirot pa rin akong naramdaman dahil feeling ko naapakan ang ego ko bilang isang babae.
Mabuti na lang at nasa likod niya ako kaya hindi niya nakita ang pagsimangot ko.
"I miss you Lex" sabi ni Pamela
"Miss you too Pretty!" narinig kong sabi ni Lexell
Lumapit din ang kasamang babae ni Pamela at nakipagbeso ito kay Lexell "It's nice to see you Lex."
"Same here." sagot ni Lexell
Mukhang napansin ni Pamela ang existence ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at nakita kong tumaas ang isang kilay niya ng mapadako ang tingin niya sa suot kong tshirt. Nainis sa nabasang print ng tshirt.
"New P.A???" tanong nito na matalim pa rin ang titig sakin. Psshh...mukhang mabait sa tv pero may pagkamaldita din pala.
Nakipagtagisan din ako ng titig sa kanya. Ano daw??? P.A?? Mukha ba akong Personal Assistant ni Lexell?? Masyado naman yata akong maganda para maging P.A lang. Lamang ka lang sakin ng ilang inches sa height.
"Oh no...I'd like you to meet Zianne, she's from LVI." pagtatama ni Lexell.
Humarap sakin si Lexell "Lav meet Pamela and Anna."
What did he just say?? Lav?? Napakunot ang noo ko sa narinig. Nakahalik ka lang feeling close agad??
"Hi Zianne, Im Anna, Pamela's manager." nakipagshake hand pa sakin ang manager.
"You call her love??" tanong nito kay Lexell na halatang nagtatampo.
Ting!!!
Bright idea...
Magsasalita na sana si Lexell pero bigla ko siyang hinawakan sa braso "Are you deaf or something?? Or are you blind enough not to see this.." sabay turo ko sa nakasulat sa tshirt na suot.
Tinaasan niya ako ng kilay "Dream on, I knew Lexell very well and he will not waste his time for someone like you. Am I right Lex?? sabay baling niya kay Lexell
"Wait, wha---"..pinutol ko ang sasabihin ni Lexell at humarap ulit kay Pamela na nakacross yung mga braso ko sa dibdib.
"Common, this is reality whether you like it or not. We both knew very well also that Lexell will not settle for only one. He can date whoever he wants to and as far as I know you're still not his girlfriend, right???
"He will be my boyfriend so back off!!" pagbabanta niya sa akin. Malapit na siya mapikon promise.
"Oh really??? Then what do you think he's up to when he let me wear this shirt??? It was from him. See?? Big enough for me. Well, I guess he wanted me to feel proud that I only belong to him." patuloy kong pang-aasar sa kanya. Pinabalik-balik ko ang tingin ko kay Pamela at Lexell. Gusto kong humagalpak sa tawa sa mga itsura nila. Mukhang malalagot ako nito mamaya kay Lexell...magkaka LQ kaya ang dalawa?? Hahhaha..sarap asarin.
BINABASA MO ANG
I'M AFRAID I'M FALLING FOR LEXELL ANTHONY GUEVARRA
Romance"Maybe I'm too late to be your first, but right now I'm preparing my self to be your last"....Laverne smiled mischievously.