Momo
*bell rings*
Ay takte! Nakatulog ako ah! Naakaka-antok na naman kasi ang filipino eh!
"Sa wakas nagising ka na!" -Lucas
Napahikab ako at tumingin sa kanya, "Ba't 'di mo 'ko ginising?"
"Himbing ng tulog mo eh. Inantok ka no?"
" 'Di ba Obvious?! Bakit ikaw hindi?!"
"Nakikinig kasi ako!"
"Ikaw nang nakikinig! Labas na nga tayo!" sabi ko sakanya at hinila siya palabas.
"Oo nga halika na!"
Lumabas na kami at nagline papunta sa gymnasium. Actually, hindi kami nakaline kasi nga magkatabi kami nag-uusap.
"San ka pala sasali na club sa academics?" -Lucas
"Ahh . . . baka sa History club kasi may mga documentation" -ako
"Ano naman kung may documention dun?"
"Para magka-experience rin ako in documentation."
"Ahh ok. Dun din ako sasali!"
"Bakit ka naman dun sasali?"
"Doon ka kasi sasali tsaka para magka experience din ako!"
"Bahala ka. Dapat nga seryoso tayo dun si Sir. Ven pa naman moderator nun"
"Oo nga noh! Masaya naman kasma si sir eh."
"Sa non-academics, san kasasali?"
"Sa . . . Basketball. Ikaw?"
"Sa Badminton at Volleyball club. Pero mas gusto ko sa volleyball club."
"Ah. Cheer mo ko sa try-outs ha?"
"Sige ba! Pero cheer mo rin ako."
"Sige! Deal yan ha?"
"Deal"
Naghiwalay kami pumasok sa gym. Lumapit naman sakin si Rhian.
"Close na kayo ni Lucas?" -Rhian
"Di naman super close yung tama lang!" ako
"Anong pinag-usapan niyo?"
"Ah, kung anong sasalihan namin mga club."
"Kayo ni Kurt close na rin kayo?"
"Okay rin naman. Minsan ang weird niya kumilos."
"Paanong weird?"
"Yung parang may gusto siyang sabihin tapos wag nalang. Tapos masyado siyang tahimik minsan naman sobrang daldal! Di mo alam kung ano."
"Baka naninibago ka lang."
"Baka nga."
Ayun pumunta na kami ni Rhian kung saan kami sasali na mga clubs. Ako eh ang sinalihan ko ay:
Academics: Science Club
History Club
Non-Academics: Badminton
Volleyball
Glee Cub
Dami noh? Eh kasi naman konti lang naman ang magiging activities ng ibang clubs kaya ok lang siya. Pang experience lang talaga siya. Bumalik lang naman kami sa classroom tapos dinismiss na kami. Nasa classroom pa rin ako kasi inaayos ko pa rin ang gamit ko, ang kalat ko kasi eh! (>,<)

BINABASA MO ANG
My Crush and My Seatmate
RomancePano kung maging seatmate mo si crush? JACKPOT ka teh! Pero pano kung may ibang crush si crush? Pano na ka na? a/n: Sana mabasa niyo kahit ang pangit at ang baduy ng simula ko. Pero maganda ang naisip kong plot kaya sana mabasa niyo. Salamat! Arigat...