Chapter 5

417 5 1
                                    

Sorry guys. Ngayon lang naging tuyo ang utak ko eh. Kasi nitong mga nakaraang araw sabaw na sabaw ang utak ko. Kaya sa mga mahal kong readers dyan na patago, gising gising uso magvote and comment :D Tska yung mga naaasar kay Ethan, it's okay ganun naman talaga ang character niya. I'll make this story na kaabang abang. 

Ang mga nangyayari sa storya na ito ay pawang kathang isip lamang. 

"Life is like a camera. Focus on what's important, capture the good times, develop from the negatives. And if things don't work out, take another shot. Live life, laugh lots & Love forever" - Kurt Nikko Parenno

---------------------------------------------

Ethan's POV

"Sigurado ka ba na hindi ka na sasabay sa amin mamaya?" tanong ni Snash sa kabilang linya. Nandito ako ngayon sa walk-in-coset ko. Hindi ko pa kasi talaga alam kung ano susuotin ko.

"Hindi na. Mukhang malalate pa ata ako eh. Oh sige kita kita na lang mamaya" pagkatapos ng usapan namin ni Snash, in-end ko na yung call. What should I wear?

Napakamot ako sa batok ko. Madami siguro mamayang chicks dun. Kailangan ko pumunta dun na AKO. As Ethan Marcus Lim.

"Need help kuya?" napatingin ako sa nagsalita.

"Oh Gail! Ikaw pala yan"

"Yeah. The one and only kuya. Duh! " then lumapit siya sa closet ko. Tumingin tingin siya ng mga damit na pwede ko isuot.

"You should wear this. Simple yet malakas ang dating" may inabot siya sa akin na greyish suit. And I think this is perfect.

"Thanks sis" then I winked at her. Haha kung alam niyo lang itsura niya nung kinindatan ko.

"Eeew! Too gross! next time magtanong ka sa expert" tapos ngumiti siya. It's 6pm na pala. And the party starts at quarter to 7. Kailangan ko ng magpalit.

Sasaraduhan ko na yung pintuan ng kwarto ko pero may sinabi muli si Gail...

"Behave ka dun kuya! Wag ka magdadala ng babae dito pagkauwi mo kung ayaw mo sa bahay ng aso siya matutulog!" sa pagkakasabi niya nun napatawa na lang ako. Never in my entire life na nagdala ako ng babae dito sa bahay.

As in never. Kahit isa wala ako napakilala kay Dad o kay Gail in person.

Ysabelle's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nakakainis na talaga ha, naiinis na talaga ako! Nagpagulong gulong ako sa kama ko habang hawak yung phone ko.

"Bakit kasi nadelete pa lahat ng contacts ko dito! Paano na lang mga babies ko? " di bale wala na kaming mga communication nung mga yun. Siguro I'll end up here. Bahala na sila hahanap na lang ako ng bago.

The Game called LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon