TULA#2 "PATAWAD"

282 20 2
                                    

Sorry mahal, katagang gusto kong sambitin
At muling mangakong hindi ko na uulitin
Pangakong alam kong ilang beses nang napako
Ngunit sa pagkakataong ito hayaan mong ako'y magbago.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito
Alam kong mali ngunit pinaninindigan ko
Na tama ako
Na ikaw dapat ang magpatalo
Sorry mahal, sapagkat nalimut ko na ako'y nasa relasyon at hindi sa kompetisyon.

Ika'y aking pinagtabuyan
Pagkat ako'y nagpadala sa galit na naramdaman
Galit na wala sa tama
Dahilan upang masaktan kita ng sobra
Sorry mahal, hindi ko sinasadya.

Masakit na salita't panunumbat
Ang ating naging sagot isa't isa
Sa halip na magmahalan
Tayo ay nagmurahan
Sorry mahal, kasalanan ko.

Umalis ka
Hinayaan kita
Nagmataas ako sayo
Na tila ba ikamamatay ko kung magpapakumbaba ako
Ngunit ako parin pala ang talo
Sorry mahal, naging bulag ako.

Lumipas ang gabi
Ako'y napahikbi
Napagtanto ko ang aking pagkakamali
Umasa na ika'y bumalik at masilayan muli
Para masabi sayo na ako'y nagsisi
Sana ay hindi pa ako huli
Sorry mahal...patawad.

Mga Tula...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon