Ito na UD ko for this week. :) Busy sa internship e. Ngayon lang nagkatime.
Happy Independence Day!
============================================================
TWENTY-FIVE
Truth:Overheard
LUIGI'S POV
Pagdating sa court, walang katao-tao. Kaya malaya kaming apat na nakapaglaro. Panay kantiyaw sa akin habang naglalaro kami. Takte talaga. Ang dami nilang tanong! Hindi nauubusan.
"Come on, Iggy. Umamin ka na kasi." sabi ni Alain na inipit sa tagiliran ang bola.
"Pre. She's not my girlfriend. Pinsan ko si Eva." simple kong sagot.
"Eh bakit sabi ni manang Julie girlfriend mo daw?" -Jus
"Tst. Akala nya lang yun kasi..."--nagiisip ako ng dahilan--"Kasi first time nyang nakita si Eva." inagaw ko ang bola sa tagiliran nya at nagpatuloy sa paglalaro. "Alam nyo naman si manang, may pagkaslow minsan."
"Sus! Talaga lang ah? Malalaman din naman yan."--lumapit sa akin si Jus at umakbay--"Bubukingin ka namin." tatawa-tawa pa nyang sabi. Ah, tangina naman oh. Ganyan kasi sila. Hindi ko mapaglihiman kasi magaling sa bukingan.
"Oyy, Cyrus! Para kang bakla, maglaro ka nga dito. One on one kayo ni Luigi." yakag ni Alain sa nakaupong Cyrus sa may bleachers. Masyadong mahinhin talaga ang ka-tropa namin na 'to. Parang hindi lalaki eh. Pero wag kayo...tatahi-tahimik lang yan pero may tinatagong kakayanan.
Ipinasa ko sa kanya ang bola at nasalo naman nya. "Tara!" yaya ko. At nag-umpisa na kaming maglaro. Yung dalawa nagpahinga muna.
"May tanong ako." dinidribble nya ang bola habang nakaabang ako sa kanya.
"Ano?"
"Yung binili mong undies...para sa pinsan mo yun noh?" Dahil sa sinabi ni Cyrus ay nawala ako sa konsentrasyon ko. Tinake advantage nya yun kaya nakashoot sya. Takte! Hindi ko sya naharang. "Sabi na eh. Tsk."
Inagaw ko sa kanya ang bola. "Wag ka na lang kasi maingay." tumakbo ako papalapit sa ring at nagshoot. Yes! Pasok! Naagaw na naman nya ang bola sa akin. Ang bilis talaga!
"Teka...pinakikiusapan mo ba ako? O inuutusan mo?"
"Both." mabilisan kong sagot.
"Alam mo ikaw...simula ng nawala si--" napatigil sya sa sinabi nya. Tangina. Never mention her name, Cy! Nawawala ako sa mood kapag binabanggit nila ang pangalan nya! "I mean siya...nagbago ka na." Binangga nya ako sa may balikat at nagshoot. It's my turn, naagaw ko sa kanya ang bola. Nagdribble ako habang inaabangan nya ako.
BINABASA MO ANG
HE'S DATING HIS ANGEL ☺
FantasyNang dahil sa paglabag sa batas ng Kalangitan, isang anghel ang mahuhulog sa lupa at mamumuhay ng NORMAL. WALANG ALAM SA ANO MANG BAGAY. WALANG PAMILYA. WALANG MEMORYA. Magmumukha siyang si "Eva". Upang makabalik sa langit, dapat siyang magtagumpay...