Mahal, bakit ang daya mo naman?
Bakit ako'y bigla mo na lang iniwan?
Ano ba ang aking nagawang kasalanan?
Sabihin mo naman sa akin ang dahilan.
Kasi, hindi ko maunawaan.
Hindi ko talaga maintindihan.
Hindi matanggap ng aking isipan.
Na ikaw ay bigla na lang lumisan.
Mahal, may iba ka na ba?
Sayo ba'y may bago ng nagpapasaya?
Paano naman tayong dalawa?
Paano naman ako kung iiwan mo na lang basta?
Paano naman yung ating mga pinagsamahan?
Yung mga panahong tayo ay nagmahalan.
Yung mga araw na kay sarap sanang balikan,
Ngayon ay parang sayo'y balewala na lang.
Mahal, sabihin mo naman kung saan ako nagkulang.
May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?
Basta ba nagsawa ka na lang,
At sa akin ay wala ka ng pakielam.
Mahal, isang pagkakataon lang.
Isang pagkakataon lang para aking malaman.
Isang pagkakataon lang, baka sakaling aking maintindihan.
Kung bakit mo ako iniwan,
Kung bakit mo ako kinalimutan.
Isang pagkakataon lang, mahal pagtapos ay hindi na.
Hindi na ako hihiling pa na muli kang makasama.
Tatanggapin ko kung wala na ngang pag-asa,
Na tayo, tayong dalawa'y muli pang magsama.
Isang pagkakataon lang, para aking tanggapin.
Na kung may iba ka na, ika'y aking palalayain.
Na kung di ka na masaya ay di na kita pipilitin.
Na ako'y muli mong mahalin.
Isang pagkakataon lang, mahal kahit isa lang.
Hayaan mo akong mahalin pa rin kita ng lubusan.
Hayaan mo ako hanggang sa mapagod at maubusan.
Maubusan ng dahilan para ika'y akin pang ipaglaban.
Isang pagkakataon lang upang ako'y magising na ng tuluyan.
Magising na ako sa masakit na katotohonan.
Isang pagkakataon lang upang matanggap ko ng lubusan,
Na wala ka na, at ako'y iyo ng iniwan.
BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing House
PoetryFilipino poetry at pinaghuhugutan