Chapter 10: Best Gift Ever

3.5K 51 1
                                    


[SAMUEL'S POV]

Pagkaalis ni Amia ay agad na kumilos si Samuel. Kaagad niyang inasikaso ang surprise birthday party ng asawa. Nakita niya sa kalendaryo ang marka ng kaarawan nito. Malamang ay ito ang nagsulat noon. Kinompira niya kay Harmony kung talagang kaarawan ni Amia.Buti na lamang ay marami siyang makakatulong.

“Samuel, may dala kaming pangkatay na manok. Halika sa likod bahay niyo para makatay na natin. Ang mga kababaihan na ang bahala sa iba.” Sabi ni Ka Etoy.

“Salamat po. Tara na ho.” Sabi niya. “Mona, kayo na bahala muna sa iba ha. Maraming salamat talaga. Sa inyo po maraming salamat.”

“Wala iyon. Mahalaga sa amin si Amy. Tara na at baka maabutan pa niya tayo habang nagluluto.” Sabi ni Nana Solet.

“Kami na ang bahala sa mga paboritong pagkain ni Amy, Samuel. Huwag kang mag-alala. Sige na at magkatay na kayo ng manok.”

Nginitian niya ang mga ito. “Sige sige.”

Hindi niya alam kung paano ang gagawin kung wala ang mga ito ngayon. Hindi siya marunong magluto at walang wala siyang alam sa paghahanda ng isang selebrasyon. Maswerte siya at napakababait ng mga tao doon.

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Excited siya. Excited siyang makita ang ngiti ni Amia. Gustong gusto niyang makabawi dito.



 

[AMIA’S POV]

 Nagmamadaling umuwi si Amia sa bahay. Una, miss na niya talaga si Samuel at pangalawa ay naalala niyang birthday nga pala niya. Natatawa siya sarili dahil hindi niya namalayan. Gusto niyang magtampo kay Samuel pero naalala niyang hindi nga pala siya talaga nito kilala.

Pero hindi pa naman tapos ang birthday niya. May oras pa silang mag-celebrate ni Samuel. Kahit wala siyang handa ay masayang masaya naman siya dahil kay Samuel.

Nasa tapat na siya ng bahay ng mapansing walang ilaw. Ang dilim dilim. Naglakad siya patungo siya pinto ng biglang nagbukas ito at biglang sumindi ang ilaw.

“MALIGAYANG KAARAWAN, AMIA!”

Ang mga nakangiting malalapit sa buhay niya ang nabungaran niya. May mga ngiti sa mga labi ng mga ito.

Naku, maraming maraming salamat po! Naalala n’yo po pala.”

Hinatak siya ng mga ito sa kusina.

“Ikaw pa ba! Syempre hindi naming makakalimutan na birthday mo ngayon!” si Harmony.

“Maligayang kaarawan sa’yo Hija.” Bati sa kanya ng mga tao doon.

Tuwang tuwa siya. Sobra siyang touched. “Pinapaiyak nyo naman po ako niyan, eh.”

“Mamaya ka na umiyak. Pakantahin mo muna kami.”

Happy birthday to you!


Happy birthday to you!


Happy birthday, Happy birthday...

Happy birthday to you!

Habang kumakanta ay papalapit ang lalaking kanina pa laman ng isip niya. Nakangiting lumalakad papunta sa kanyang direksyon si Samuel. May dala itong biko na maganda ang pagkakalagay sa bilog na lalagyan na may kandila.

Huminto ito sa tapat niya.

“Happy birthday...” sabi ni Samuel. Halata ang pawis nito. Para itong nakipagtakbuhan. Lumapit siya rito. Pinunasan niya ng kamay niya ang noo nito.

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon