Chapter 20

1.3K 55 3
                                    

Third Person's P.O.V

Makalipas ang isang linggo.

Busy sa pagpapatakbo ng kompanya si Danreb habang si Freya ay ginagawa ang role niya bilang asawa kahit hindi pa sila kasal.

Kaso sa paglipas ng araw, mas naging malungkutin si Freya.

Iniisip niya nalang na ginagawa niya yung mga bagay na yun kasi baka sakaling marealize ni Danreb na worth it siya para ipaglaban.

Pero kabaliktaran ang nararamdaman ni Danreb...

As time past by hindi niya nagugustuhan ant ginagawa ni Freya dahil sa isip niya ay nagpapaawa at kumukuha lang ito ng atensyon.

Kaya nag-isip siya na ikompronta si Freya.

Pero sa hindi niya inaasahan, may mangyayaring masama na ikababago ng takbo ng buhay niya,... nila pareho.

**

Freya David's P.O.V

Maaga akong nagising para maiplantsa ko ang uniform na ginagamit ni Danreb sa trabaho at magluto ng almusal niya, kahit na, never niya pang kinain 'to.

Pero kahit ganoon, ang mind-set ko is if ever na magugutom siya at maghanap ng pagkain sa umaga at hapunan ay may makakain siya.

Isang linggo na ang nakalipas pero hindi parin bumabalik si Danreb sa dati niyang pag-uugali.

Pero tiis, tiis ang ginagawa ko sa mga araw na dumaraan.

July 15 na ngayon at bukas na darating sina Eyna.

Excited ako sa kanilang pagdating pero nangingibabaw parin ang lungkot dahil yung saya na mararamdaman ko dahil pupunta sina Eyna e ako lang ang makakaramadam...

Gusto ko na pati si Danreb ay lumigaya, dahil alam kong puro trabaho ang inaasikaso niya.

Nandito ako sa kusina kasama si Ate Shiela habang naghahanda ng agahan para saming tatlo.

Sa pagstay ko dito e naging close na kami ni Ate Shiela.

Siya ang kasama ko sa paglilinis, sa pagluluto, sa kantahan at sa chismisan.

Ngayon nga e nagku-kwento nanaman siya.

'Alam mo ba ser? Na yung dati kong nobyo sa probinsya namin ay parang ganito, sinusunod ko ang gusto niya pero kahit magpasalamat ay hindi niya ginawa pero noong una hindi ko alintana yun dahil nga mahal ko kaya okay lang pero habang patagal ng patagal, napansin kong aba...

Abuso na 'to ah? Inaabuso niya ang kabutihan ko. Kaya sa huli iniwan ko siya kahit na masakit sa part ko pero kailangan, dahil kung patuloy kaming ganoon...

Ako ang kawawa at lugi. Kaya habang kaya ko pa, ako na ang siyang bumitaw para matigil na ang kag*guhang nangyayari samin.' Pagku-kwento ni Ate Shiela sakin.

Hindi ko alam pero nasaktan ako sa sinabi niyang, abuso, kawawa at lugi.

Parang kahit hindi niya sinabi e parang sakin yung salitang binatawan niya.

'So, anong gusto mong iparating, ate?' Tanong ko dito sa sarkastikong paraan.

Tumawa ito sa sinabi ko.

'Nako ser, wala naman po akong gustong iparating na masama pero kung gusto ninyo po marinig ang napapansin ko sa sitwasyon ninyo e handa po akong sabihin iyon, basta't wag kayong magagalit o mao-offend.' Sabi niya habang kunwari ay nalulungkot siya sa sitwasyon namin.

'Okay.' Sabi ko lang dito habang natuon ang pansin ko sa niluluto ko.

Kahit na ganyan si Ate Shiela e panatag naman ako na sinasabi niya 'to para tulungan ako at wala siyang masamang hangarin. Kaya hinahayaan ko siyang sabihin ang saloobin niya.

Memories Afterall (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon