'The unknown number'
Zich's POV
Nakatunganga ako ngayon sa loob ng kwarto ko, ewan 'di kasi ako makatulog. Nanood na ko ng movie, naglaro na ko ng 'ML', nilakasan ko na rin yung aircon para makatulog na ko pero sadyang magpupuyat ako ngayong gabi.
Bumaba na muna ako at pumunta ng kusina, kukuha ng tubig tuyo na kasi 'tong lalamunan ko. Mabuti nalang at medyo ok na rin yung paa ko kaya maayos na akong nakakalakad. Binuksan ko ang refrigerator at kumuha ako ng isang basong tubig at tyaka ininum. Sinara ko na ang ref at tyaka nilagay na rin ang baso ko sa sink. Nang may biglang tumunog.
''Dala ko pala yung phone ko?'' Kinuha ko agad ito sa bulsa ng pajama ko at sinaylent mode, baka kasi magising yung mga tao dito. Tiningnan ko kung sino ang nagmessage..
New message
From: 09*********
''Trust me..''
Eto na naman yung unknown number na 'to. Di ko na lang ito pinansin at binalik ko na lang ang phone ko sa bulsa at umakyat na. Nadaanan ko ang kwarto ni kuya na bukas yung pinto kaya lumapit ako dito at sumilip sa loob.
''Di ba 'to marunong maglock ng pinto? Ayss..'' nakita ko siya na mahimbing na natutulog habang hawak hawak niya ang phone niya, kaya pumasok ako ng kwarto niya. Kinuha ko ang phone sa kamay niya at nilagay sa mesa malapit sa kama niya at inayos ang kumot niya tyaka ini-on ko na rin yung aircon. Hinalikan ko siya sa noo bago lumabas ng kwarto niya at ni-lock ito.
''Kailangan ko na ring matulog'' bulong ko at pumasok na sa kwarto ko. Humiga na ko sa kama at tiningnan ang wall clock dito sa kwarto ko. Umaga na pala. It's already 1:00 am.
**
''Aray! Aw.. sakit ng likod ko.. sh*t!''
Hinimas himas ko ang likod at pwet ko dahil sa pagkahulog ko sa kama. Argh! Sakit nun ah! Dahan dahan akong tumayo habang nakahawak pa rin sa likod ko. Tiningnan ko ang wall clock.. 9:30 am na. WHAT?! 9:30?! BAKIT WALANG GUMISING SA 'KIN?! SH*TTY SH*T!!
Tumakbo na ko papuntang Cr ng nagvibrate yung phone ko. Agad akong tumakbo pabalik sa kama ko at kinuha ang phone.
25 messages 10 missed calls
From: TWINkle
''Asan ka na?''From: TWINkle
''7:29 na..''From: TWINkle
''Answers my calls!''From: TWINkle
'' Wala pa si prof, bilisan mo!''From: TWINkle
''DITO NA SI PROF!!!!!''From: TWINkle
''MAY QUIZ!! ASAN KA NA BA?!
''ZERO KA SA EXAM!''
''ABSENT KA?!''
''LAGOT KA SA 'KIN!''
''ZICH ZOE SANDRA CORNUEL! BA'T HINDI KA NAGREREPLY?!''
''SANDRA!!!!''
''PINAPATAWAG KA SA GUIDANCE!!''Guidance...
Guidance...
Guidance...''What?!''
Tinapon ko agad ang phone ko at dumiretso sa Cr, bahala na kung saan ko man yun natapon. Argh! Bakit kasi ako nalate ng gising!!
5mins akong naligo. Gulong gulo na ang kwarto ko dahil sa kakahanap ng mga gamit ko ng....
''F*CK SH*T!! OUCH! The f*vkk! A-arayy!! Angsakit!'' Umiyak na ko dahil sa sakit ng likod at paa ko. Sa sobra kong pagmamadali, nadapa ako! Kaya ngayon nakahiga ako sa sahig. Tumayo ako ulit at kinuha ang phone ko at lumabas na ng..
BINABASA MO ANG
Bloody cards
ActionPaano kung ang isang inosenteng babae ay mapunta sa gangster World na hindi niya namalayang kinalakihan na niya. Zich zoe Sandra cornuel, the heir of their clan , never knew about the death of his older Brother. She didn't even know she Had one...