In Love with the Wrong Guy
Written By: Simply_Yours
****************************
Ngayon, ngayon ang birthday ko. Napakabilis talaga ng panahon at eto Sixteen years old na ako. Nae excite na ako para mamayang gabi di ko alam kung ano ang mangyayari mamaya.
Since hapon pa lang at mamaya pang 8pm ang start ng party eh nandito kami sa hotel na katabi lang ng Royal Palace.
" Uy! "
" Ay palaka! Hannah naman eh! "
Bakit ba halos lahat nalang ng nakapaligid sakin ang hilig manggulat? Plano ba nila akong patayin sa gulat?
" Haha. Sorry! " sabi nya with a maarte voice pa. " Uy mamaya dapat litaw ang beauty mo ha? "
Tumango nalang ako bilang sagot. Nasa isa sa mga unit dito sa hotel kami naka check-in. At ito lumalandi ang Lola nyo, naka set ang buhok ko para kumulot at mamaya eh ma make-up an nila ako.
" Uy Cous! Sino kapartner mo? " napalingon ako kay Hannah at natigil sa pagtunganga.
" Ah si Clyde malamang. " sabi ko sabay higa sa kama dito. Ewan ko ba pero inaanantok ako.
" Seriously Venice nung nakaraang araw parang ang weird ng mga kinikilos ng boyfriend mo. " sabi nya sabay kain nang baked Mac. " May problema ba yun? "
Miski pala si Hannah nahahalata yun. Ano naman ba talagang problema nun, di naman nagsasabi at kung tatanungin ko naman i-isnobin lang ako nun o kaya iibahin ang topic.
" Ewan ko ba, basta may tiwala ako sa kanya. "
Napabuntong hininga nalang ako. Kinuha ko yung phone ko para tawagan sya pero Unattended. Anong nangyayari sa kanya? Di naman ganun yun eh pag tinatawagan ko sya first or second ring palang sinasagot nya na agad. Bakit parang iniiwasan nya ako?
Tinawagan ko rin yung kambal pero ang sabi nila di nila kasama si Clyde miski si Tito Enzo at Chloe tinawagan ko pero mula padaw kahapon di pa umuuwi si Clyde.
" Clyde naman! Asan ka ba? " nagpapanic na ako.
" Clyde answer the phone! " I tried to contact him many times pero wala padin.
At sa wakas. " Hello Clyde? "
(Happy Birthday Venice, I love you)
" Uy asan ka----- Hello? Hello! Clyde? " bigla nya akong binabaan. Ano ba talagang nangyayari?
" Hannah, ano ba to? " halos mangiyak na ako.
" Ssshh, Wag kang iiyak okay? Pupunta yun baka busy lang " I tried to comport myself. " Aayusan ka na nila Venice, Be ready na ha? Malapit nang mag start tandaan dapat nangingibabaw ang beauty mo! "
Tama dadating sya. Wag kang praning Venice!
------
Its already 7:30 pm. Malapit nang mag start ang party at madami nang tao. Pero wala padin sya.
Nasa may lobby ako ng Royal Palace para hintayin sya. Nandito na si Tito Enzo at Chloe pero sya wala talaga.
Naramdaman kong nag vibrate yung cellphone ko. Si Clyde.
From: Clyde
Wag mo na akong hintayin. Sorry Happy birthday Venice.
Totoo ba tong nababasa ko? He's not coming. Pero? Bakit.
I tried to contact him pero nakapatay na yung cellphone nya. Ano ba to? Sa mismong birthday ko pa sya di pumunta?
BINABASA MO ANG
In Love with the Wrong Guy (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsSome people believes that " The more you hate the more you love" How does cold person, bully, boastful boy And Childish, Campus Loudspeaker, annoying girl conciliate? -------- All rights reserved. No part of this document may be reproduced or trans...