Finally 2 weeks nalang... 2 weeks nalang at makakauwi na ako ng Pilipinas. Makikita ko na ulit yung mga kaibigan ko. Pero konti nalang kasi sila. Yung iba kasi nasa ibang bansa na..
si Tricia lang naman yung gusto ko talagang maka kwentuhan ng matagal. Sya ba naman ang kaibigan kong alam lahat ng baho ko. Masaya ko at nasa pinas parin sya.
Buti ngat hindi nya ginustong mag abroad dahil mas gusto nya daw mabuhay sa pilipinas kasama ang pamilya nya. Tutal maganda narin naman yung trabaho nya roon. Kaya talagang hindi sya mapipilit na mangibang bansa pa. Namiss ko narin yung mga relatives ko pero si Tita Ely na kapatid ng Mom ko at ang anak nyang si Joey nalang yung nandoon. Sila kase yung katiwala ng Mom ko na mag bantay na bahay namin doon. Tapos yung iba naming relatives wala narin sa Pinas.Hay.. nakaka miss. Marami akong namiss nung mga panahong naroon pa ko. Pero.. bakit ganon? Bakit pati ikaw? Bakit bigla ka nalang sumagi sa isipan ko? "Hingang malalim habang naka upo ako sa kama. Bigla nalang ako nalulungkot kapag aking naaalala. Bakit may kirot parin? Bakit may pang hihinayang akong nararamdaman? napatingin tuloy ako sa cabinet ko. Parang bang may gusto akong tignan sa loob. Pero ininda ko to dahil ayoko ng balikan yung nakaraan. Kaso talagang nag pupumilit yung utak at katawan ko na buksan ito. Kaya nanalo parin yung isip ko at binuksan ko yung cabinet ko. Nakita ko na naman yung box sa ilalim ng mga luma kong mga gamit na punong puno ng memorya. Napalunok ako na parang pag papawisan kung bubuksan ko ba or wag na? Wag nalang.. baka kase mag expect na naman ako sa atin?? Eh gusto ko ngang makalimutan yung mga nangyari. Masyadong masakit parin sakin hanggang ngayon. Kahit tatlong taon na yung lumipas na panahon... pero tama na nga.. matutulog nalang ako at babalik na sa kama.
Habang nakahiga ako bigla na naman nasagi sa isip ko if makikita ba kita ulit..?
"Imposible"
..imposible tayong magkita. Ni wala nga tayong communication nung umalis ako sa pinas hanggang ngayon. Pero I'm sure wala ka rin sa pinas dahil busy kang tao. Palaging kang malayo. Eto nga yung dahilan kung bakit hindi tayo itinadhana. At hindi talaga tayo itinadhana ng panahon..
Hay.. tama na nga yung pag eemote. Hindi naman ako nag eexpect na makikita kita. Hindi ikaw yung dahilan ng paguwi ko sa Pinas kaya bakit kita iisipin? Matutulog nalang ako at mag hihintay ng pag alis ko. Ilang araw nalang at makakauwi na ko. Konting tulog nalang Serafica..