"Carol, dali na kasi!" Kinukulit na naman ako ng Leo na ito! Paano ba naman, tatlong araw siyang wala sa klase namin kay Miss Palo Kaya binuburyo nya na naman ako na pakopyahin ko siya ng notes, pumayag naman ako pero lintik! Humirit pa ang loko! Turuan ko rin daw sya ngayon para syang buntot ko, sunod nang sunod sa akin!
"Carooooool" Nakakarindi!!!
"Please, Carol.. pagtapos mo 'ko turuan, dehins na kita aasarin." Napahinto ako sa paglalakad at nilingon siya. Tumaas ang kilay ko. Ewan ko e, hindi ako naniniwala sa lecheng 'to!
"Promise!" Tinaas nya pa ang kaliwang kamay na parang sumusumpa.
"Ah, hindi ako naniniwala! Bakit kaliwang kamay ang tinaas mo?" Dapat kanan eh! Kumunot ang noo nya pero agad nya ring pinalitan ang kamay nyang nasa ere. Pinigilan ko ang sarili ko na tumawa. Hahahaha!! Ang pangit niya kasi e.
"Oh, ano na? Kanan na 'to oh!" Sabi nya na parang naiinip habang kinakaway ang kamay nyang nasa ere. Pinanliitan ko siya ng mata.
"Nagmamadali ka? Nagmamadali ka ha? Sige, umuwi ka na!" Sabi ko habang nakapaywang. Kainis e! Siya na nga lang may kailngan, nagmamadali pa! Tsk!
"Ah, hehehehe. Joke lang naman , Carol. So ano na?" Pakaplastik ng tawa ng lecheng to.
"Anong makukuha ko rito kung tutulungan kita?" Taas kilay kong tanong sa kanya. Hinawakan niya ang baba niya, tila nagiisip. Nakatingin siya sa kisame ng hallway. Maganda pala ang tangos ng ilong niya, ano? Saka makapal ang labi pero bagay sa kanya. Ang kapal din ng kilay at pilik-mata. Hala huy, Carol! Kaaway mo yan! Pangit siya! Pangit!!!!
"Paano kung tulungan kita para magustuhan ka ng taong gusto mo, hmm??" Saglit na nanlaki ang mata ko pero ginawa ko ulit normal para hindi nya mahalata. Shit? Alam nya na ba na gusto ko si Raven?! Shit shit shit!!
"Wala akong gusto." Pinatigas ko ang boses ko.
"Talaga?"
"Talaga!"
"Fine! Edi ililibre na lang kita parati ng lunch!" Suhestyon nya.
"Ayoko nga parati! Siguro, hmmm, mga limang beses lang." Sabi ko naman. Baka mamaya masanay ako e. Ay!
"Okay sige. Bukas turuan mo 'ko."
Tinuruan ko nga ang isang 'to. Hindi naman sa pagmamayabang pero talagang may utak ako pagdating sa academics, siguro dahil sa taas ng pangarap ko, naging matalino ako. Ano?
"Hindi naman kasi ganyan magkabisa! Basahin mo ng mabuti, itatak mo sa isip mo lahat ng salita, ganun dapat! Hindi binibigkas ng malakas." Paliwanag ko sa kanya. Tinaasan n'ya ako ng kilay habang nilalaro ng kanyang daliri ang labi n'ya. Hindi ko alam kung bakit pero nagiwas ako ng tingin. Ang pink pala ng labi n'ya, ano?
"Bakit ka nga pala absent?" Tanong ko.
"Tinamad ako," Dahilan niya.
"Tatlong araw kang tinamad? Grabe kah!" Bulyaw ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako at nagpatuloy na sa pagbabasa.
Ang tahimik ng buhay ko noong absent siya. Ngayon ay nagugulo na naman. Ang layo ng building ng business management sa educ building kaya nagtataka ako kung bakit ako pa ang kinukulit nito!
"Leo," Tawag ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin kaya napasimangot ako.
"Hoy," Tawag ko pa.
"Hmm.." Sagot niya lang. Nakatutok pa rin siya sa kanyang binabasa.
"Seryosong-seryoso ka jan ha! Kung sana ay hindi ka umabsent ay hindi ka maggagahol," Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Amour
General Fiction"You are just his amour, and it will not last. Wait until I turn you into mine. Fucking mine alone." Matagal na pinangarap ni Carol ang magarbong buhay; yung tipong sa isang pitik lamang nya ng kanyang mga daliri ay mabibili na n'ya ang lahat ng ni...