Parang ambilis ng panahon,
Parang ambilis ng umaga at ngayon ay hapon.
Parang ambilis kasi kanina nandito ka pa,
Subalit ngayon nagtatanong ng "nasa'n kana nga ba?"Para kang isang sasakyan na huminto,
Sumakay ako at parang nagpa-uto.
Nag-aliw sa saliw ng musikang tinutugtog,
At sa pagpreno mo ako ay nauntog.Ngpreno ka sakabila ng mabilis mong takbo,
At sasabihing hanggang dito na lang ang ikaw at ako.
Kailangan ko ng bumaba, bumaba dito sa kanto,
Kasi liliko kana at hindi na ko sasamahan hanggang dulo.Nagbigay ka ng sukli kasi nagbayad ako,
Akala ko dahil yun ay isang obligado.
Ayaw mo lang palang masumbatan sa dulo,
Kaya pala ngayon iniwan mo rin ako.Bakit kailangan mo pa kong pasakayin,
Gayun palang ako'y ibababa mo rin.
Handa naman akong magbayad ng paulit-ulit,
Huwag lang pumara at patuloy na kumapit.Subalit kailangan na talagang huminto,
Baka sa pagbaba ko may makita akong ginto.
Yung karapat-dapat para sa akin,
Yung masasabing ako'y mahal niya rin.Umalis ka at kalimutan ako,
Mang-iwan ka, oo iiyak ako!
Subalit alam kong titila rin ang aking mga mata,
At balang araw masasabi ng puso ko na para sa kanya ay wala kana.Iniwan mo ko at hahayaan na kita,
Baka nga sa puso mo hindi ako ang nakapinta.
Isang istranghero ka lang na dumaan sa aking buhay,
Para sa tamang tao ay aking maging tulay.
BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing House
ŞiirFilipino poetry at pinaghuhugutan