Chapter 4

0 0 0
                                    


Yanas POV

Naglalakad na kami ni Shine papuntang canteen. At Asusual nakita nanaman niya si Jacob. Biruin mo nakatulala pano nasa harapan lang siya si Jacob. Ang bango daw e amoy pawis nga, amoy araw. Akala ko sa room lang ako mababadtrip, may kasunod pa pala.

Habang naghahanap kami ni Shine ng vacant place sa canteen. Biglang dumaan si Jacob at nabunggo ako. Yung tray na hawak ko. Lumipad at bumagsak sa ulo ko.

"Bastos naman!" Galit na sabi ko.

"Sa susunod kasi mag iingat ka Miss. Isuot mo din kasi yang salamin mo ng maayos. Para makita mo yung daan." Sabi ng magaling na lalake sakin.

Nag-init ang ulo at may nagawa akong bagay na hindi ko dapat ginawa.

Alam kong nagulat din si Shine sa ginawa ko. Dahil hindi niya alam na sanay akong makipag away.

"Hindi ako katulad ng iba jan. Kaya ayus ayusin mo pananalita mo sakin." Banta ko sa kaniya.

Agad akong umalis at nagpunta sa Field. Iniwan ko na din si Shine dahil alam kong tatanungin niya lang ako ng tatanungin.

Naupo ako sa damuhan sa field kung saan maraming puno, nagpunta ako dun sa kaduluduluhan para walang makapansin saakin. Habang nasa lilim ng punong narra, nagbabasa ako ng librong dala ko. Ewan ko ba. Ang sarap sa pakiramdam ng tahimik lang. Habang nagbabasa ako.

"Yana," may tumawag sa pangalan ko.

Nakita ko agad si Mc.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya.

"Nakita kasi kita kanina. May problema ba?" Tanung ni Mc sakin.

"Mabuti naman kung ganun. Pagkailangan mo ng tulong sabihin mo lang." Sabi niya ulit.

"Sige na. Lumayas kana. Baka may makaalam pa kung saan ako naglalagi." Sabi ko sa kaniya ng may pagkairita.

"Sige boss. Babye." Pahabol niya habang naglalakad.

Si Mc Rivera nga pala. Kaibigan ko noon. Isang simple at tahimik na studyante kung titingnan pero may tinatagong kalokohan. Para bang silent killer. Nakasama ko siya sa isang grupo kaya kami naging magkaibigan.

"Ay boss, hinahanap ka nga pala ng ibang kagrupo. Nakausap kana ba?" Pabalik si Mc sa kinaroroonan ko at kasama ang ilan din naming kabarkada noon.

"Bakit? Anu ka'mong kailangan nila." Sagot ko.

"Hihingi ata ng tulong." Sagot niya.

"Boss." "Hey. Long time no see boss." "Kamusta na boss?" "Dito ka pala nag aaral boss."

"Okay lang. Oo bakit? Anu sa tingin mo di ako nag aaral?" Sagot ko.

"Si boss naman masyadong mainit ang ulo." Sagot nila.

"Sige na. Lumayas na kayo. Itxt nyo nalang ako." Pagtataboy ako sakanila.

"Yana yung dati parin ba?" Tanong ni Mc.

"Oo. Magpakilala ka. Kung hindi alam mo na." Pananakot ko sa kaniya.

"Yes boss. Haha." Sagot niya.

"Sige na layas!" Sigaw na pagkakasabi ko.

5 taon na din pala ang nakalipas simula ng magkahiwa hiwalay kami. Nakakamiss din pala yung mga yun.

Crawl To RedemptionWhere stories live. Discover now