Hazel's POV
"Hazel."
Napako ako sa kinatatayuan ko. Ewan ko ba, alam ko sanay na ko dito, pero bat parang kinakabahan ako?
Lumingon ako at nakitang nakabukas na ang pintuan sa library. Napalunok ako at dahan-dahang lumapit sa pintuan pero nagulat ako nang magsara ito.
" Hazel, halika na!" sigaw sakin ni Danielle.
Tumakbo ako papalapit sa kanya.
Talagang may dapat akong malaman sa library na yun.
Amethyst's POV
Naannounce kanina lang na wala kaming pasok ngayon. May meeting daw ang mga teachers at dahil president ako ng student council, may meeting rin kami.
Pumunta na ako sa room kung saan kami magmimeeting. Pumasok na ako at nakita ko si Venice, member din kasi siya ng Student Council.
" Hi Ven, pwedeng tumabi sayo?" tanong ko kay Venice na nakaupo sa 3rd row.
" Yeah! Sure." sagot niya.
" Wala pa ba si maam?" paninigurado ko.
" Di ba obvious?" suplada naman nito. Nagtatanong lang eh.
Wala na akong nagawa kaya umupo nalang ako sa tabi niya.
" Good Morning!" sabi ni maam na kakadating lang.
" Good morning maam!" sagot namin.
" Ok, we are going to have our meeting today..." nagsalita lang si maam.
Nag meeting lang kami tungkol sa mga new rules and regulations sa school. Nang matapos na, naisipan kong maglibot kasi wala namang pasok. Time Check: 11:30 palang pala.
Naglalakad ako ng may makabunggo ako.
" O Hazel, Danielle. Saan punta niyo?" tanong ko sa kanila na hingal na hingal.
" You have to see something, Amethyst! It's really creepy!" hingal na sabi ni Danielle.
" Teka nga, ano bang nangyari?"
"S-s-sa l-l-libra-ra-ry" sabi ni Hazel.
" Library?"
" Yes!"
" Diba pinagbabawal magpunta dun?" tanong ko. Sila naman parang naguguluhan.
" Don't tell me, di niyo pa alam ang rule?"
" What rule?"
" No one dares na magpunta ng library. Ipinagbabawal magpunta dun kasi may inatake na sa puso dahil sa takot." paliwanag ko.
" It means, totoo nga na haunted ang library na yun?"
" Ewan ko kung totoo, pero kada punta mo sa part na yun, tumatayo mga balahibo mo."
" Well, maybe we need to find out what's the truth. Kahit natatakot ako, nacucurious parin ako kung anong meron sa library na yun."
" No, Danielle. Mapapahamak ka lang. Hindi natin alam kung totoo man o hindi pero kailangan parin nating mag-ingat." sabi ko. Natahimik nalang sila at umupo sa bench malapit sa kinatatayuan namin. Sumunod naman ako sa kanila.
" Ok. Ganito nalang, pupunta tayo sa library pero siguraduhin niyo lang na may dala kayong rosary o bendita. Mag-ppray rin tayo bago pumunta dun." sabi ko.
" That's a good idea! Pero wala akong dalang rosary or bendita." sagot ni Danielle.
" Ako meron akong bendita at isang rosary."
" Eh paano naman kami?" sabi ni Hazel.
" Wala naman tayong pasok diba? Edi umuwi muna kayo at kunin niyo ang rosary at bendita niyo." sagot ko.
" Ok.ok. Let's go Haze!" sabi ni Danielle kay Hazel.
Umalis na sila at naiwan ako na nakaupo sa bench.
*After 30 mins.*
" Ang tagal niyo ha! Buti nalang dala ko tablet ko, edi nagbasa nalang ako sa wattpad." sabi ko.
" Malayo-layo rin kaya bahay namin." Si Hazel.
" Tara na!" aya ko.
Pumunta na kami sa library at nag-pray muna kami na sana walang masamang mangyari samin. Sunuot rin namin ang rosary at binuksan na namin ang pintuan sa library.
" Ang lamig!" sambit ni Danielle.
" Marami silang nandito." sabi naman ni Hazel.
" Paano mo nalaman?" tanong ko.
" Kasi nararamdaman ko sila."
" May third eye kasi siya eh." dagdag ni Danielle.
Naglibot kami sa library at...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Biglang hinimatay si Hazel.
------
Thanks for reading!
BINABASA MO ANG
The Haunted Library
Misterio / SuspensoGugustuhin mo pa bang magpunta sa library kung buhay mo ang nakataya? Hope u like it!