Chapter 1- Brutal Beginning

37 2 0
                                    


Third Person's POV

Sa isang lugar kung saan mayroong dapat pagmamahalan ay mabubuo ang isang tahanan na puno ng kalungkutan, galit at napakaraming multo ng nakaraan.

Hindi mo aakalain na sa lugar na ito dito lahat naganap. SUMBATAN! SIGAWAN! HIYAWAN! SAKTANAN! AT PATAYAN!

Isa nga si Cazpher sa nakatira dito. Sa kabila ng lahat ng mapapait na alaala ng kahapon ay nakakaya niyang tumira sa pamamahay na ito kasama ang kanyang demonyong tatay/daddy. Na siyang nagdala ng lahat ng masasakit na nakaraan dito sa bahay.

"CAZPHER! Kausapin mo ako ng maayos! Halika dito kung ayaw mong malintikan ka sa akin!!" Sigaw ng daddy niya.

"Seriously Dad, at bakit naman ako lalapit sa iyo? Ang kapal ng mukha mong kausapin ako pagkatapos ng LAHAT ng ginawa mo sa akin." Sagot niyang matapang.

"I'm sorry Caz, that was before! I want you to listen to me as your Dad!"

"Enough with this non-sense talking DAD! You will never ever bring back the past. LAHAT ng mayroon ako ay nawala dahil sa iyo."

Lumapit si Conrad (tatay ni Cazpher) sa kanya. Dahil sa matinding galit ay nailabas ni Cazpher ang pocket kinfe niya at tinutok iyon sa kanyang ama.

Sigehhh Dad lapit pa. Baka gusto mong iparamdam ko sa iyo kung gaano kasakit yung nararamdaman
ko ngayon. Malinaw naman na ayokong kausapin ka diba?" Pagbabanta niya.

"Matapang ka na ngayon Cazpher! Sige anung karapatan mong sabihin at gawin sakin yan. Tandaan mo wala ka ngayon kung wala ako."

Uminit na nag tuluyan ang tensyon sa pagitan ng mag-ama

"Kaya ko kahit wala ka. Mas masaya ako kapag wala ka!"

Bumuwelo ito at akmang sasaksakin ang ama ngunit.....

Dahil sa takot na makapatay ng tao ni Cazpher. Nadaplisan lamang si Conrad at bahagyang nasaktan. Nanginig si Cazpher at doon kumuha ng pagkakataon ang kanyang ama para siya'y saksakin.

"Wala kang pinag-iba sa Nanay mo.. Sayang lang ang buhay mong bata ka.. Magagamit pa naman din kita. Tsk. Tsk. Tsk." Sambit ng kanyang ama.

At umalis ito na parang wala lang nangyari habang ang kanyang anak na si Cazpher ay nakahawak sa kanyang saksak sa tiyan. Lumuha siya at naisip na malapit na niyang makita ang kaniyang nanay at ang kaniyang kapatid.

......................................................................

Lumipas ang 2 buwan at masuwerteng hindi binawian ng buhay si Cazpher. At nakarecover na mula sa kanyang saksak.

SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon