"HALAGA"

626 15 23
                                    

Tanda mo pa ba nung minsan mong sinikap na sungkitin ang mga tala,
para lang makuha ang pag-ibig ko sayong akala ko ay tama.

minsan mo akong sinabihan na para akong isang bituin na kumikinang sa dilim.

minsan mo akong pinaniwala, na may tunay na pag-ibig na ikaw ang lumikha.

minsan mong iginuhit ang larawan ko kahit sa larangang iyon ay wala kang talento.

minsan mong hinawakan ang mga kamay kong magaspang,

at minsan mo ring sinabi saakin na kahit kailan ay hindi mo ako magagawang saktan.

pero bakit?...

bakit kabaliktaran ang pinaranas mo?

dahil ba hindi ka na kayang pakiligin ng mga tula ko?

may iba na bang nagpapa ngiti sa'yo?

hindi na ba ako?

hindi na ba ako yung naka sulat sa blangkong papel na matagal mong iningatan?

hindi na ba ang mga bituing ito ang nagbibigay ng liwanag sa bawat gabi mo?

kase kung oo, bakit mo hinayaan lumamig ang relasyong sabay nating pinag init na dalawa?

ang tanong lang na gusto kong malaman,

ay dahil kanino ba?

masakit isiping hindi na ikaw yung minahal ko noon ng sobra sobra.

dahil isang araw nag bago ka nalang bigla,

nawala yung mga masasayang ngiti,

pero nakita kitang muli,

nakita kong muli ang mga tawang matagal mong ipinagkait sa aking mga mata.

nakita kitang masaya, ng hindi na ako ang kasama,

siya na pala...

Siya na pala ang dahilan ng muli mong pag tawa,

siya na wala kang maipipintas miski isa,

Before We Surrender. (A Poetry Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon