My Last Wish (Nine Stars/ Hiling Fan Fiction)

1.5K 31 0
                                    

(A/N)

Hey! Sa lahat po ng nakabasa na ng "Nine stars" at "Hiling" ni ate alyloony, maiintindihan nyo na po ang short story (fan fiction) na ito. 

Para naman sa hindi pa nakakabasa, basahin nyo nalang po at promise po, hindi kayo magsisisi. 

Fan fiction  lang po ito, hindi po talaga ito yung kasunod ng story nayun. Gawa-gawa ko lang po ito, pero sana magustohan nyo. 

Okay lang po sakin yung mga bad comments. Kaya feel free to judge me. ^__^

Sa uulitin po, Fan fiction lang ito. Salamat! ^_^

-------

My Last Wish (Fan fiction)

       Ilang araw narin ang lumipas mula nung inilibing na si Lewis, ang lalaking minamahal ko na nalaman ko nalang na mahal nya rin ako nung wala na s'ya. Palagi kung tinanong sa utak ko  kung Bakit? Bakit n'ya ako iniwan? Bakit hindi n'ya sinabi sa akin na may sakit pala sya? Bakit hindi n'ya agad sinabi saakin na mahal n'ya rin ako? Edi sana may kahit maiklang panahon rin na iparamdam namin sa isa't-isa yung pagmamahalan namin. Edi sana mas mapasaya ko pa s'ya, edi sana naalagaan ko siya . Wala na akong paki-alam kung masasaktan lang ako sa huli. Wala akong paki-alam kung lalaki yung eyebags ko sa kakaiyak, basta mapasaya ko lang siya kahit sa maikling panahon lang. 

     Naguguilty tuloy ako sa pagiging bitter ko sa kanya. Akala ko nagawa lang n'ya yun dahil tanging bestfriends lang talaga yung tingin n'ya sa akin. Yun pala nagawa lang pala n'ya iyon para hindi ako masaktan ng sobra-sobra.

   Pero ang unfair n'ya? Siya lang ang umaangkin sa lahat ng sakit. Ou, nasaktan rin ako, pero double yung sakit na natamo n'ya eh. Naiinis talaga ako sa sarili ko!!

-

  At ngayon palihim na naman akong umiiyak dito sa coffe shop. Nakakahiya man pero hindi ko mapigilan tung sarili ko eh. 

 Maya maya, May humagis sa akin ng panyo. Napatingin ako sa taong gumawa nun.

"Para kang baliw dyan na umiiyak. Pumangit ka ng husto!"

Kumunot bigla yung noo ko  ng makita ko si Neon.  Sya pala yung bagong kapitbahay  namin. Binili ng pamilya nila yung condominium nila ni Lewis. Sa state na daw kasi titira yung pamilya nila Lewis. At dahil close daw yung pamilya nilang dalawa napag-isipan ng pamilya nilang bilhin ito. Bakit ko alam? Eh kasi kinukwento ni mama sakin. Alam nyo close na sila matapos bigyan ng mabait kung mama ng tiramisu cake. Mabait naman yung pamilya ni Neon, maliban nalang sa kanya.

"Tss. Ano bang paki-alam mo?" galit na sabi ko sakanya.

"wala" simpleng sabi nya at nagsmirk.

 Inihagis ko nalang sa mukha nya yung panyo nya. "Hindi ko kaylangan nyan!"

"Buti naman. Baka madumihan pa ng madumi mong luha tong panyo ko"  he said calmly. 

Pagkatapos nyang sabihin yun. Umorder nalang sya ng coffe tapos pumunta sa kabilang table. Hindi ko nalang sya pinansin.

Bigla na namang may umabot sakin ng panyo. Inangat ko na naman yung ulo ko. 

"C-chim?" 

"Si Lewis na naman ba yan, Claire?"

Tumango nalang ako . Masmabuti pa si Chim may pagkagentleman di gaya ng Neon nayun. Kaya tinanggap ko yung panyo n'ya.

"Tahan na, wag ka ng umiyak. Ilang araw ka na umiyak. Kung malalaman lang to ni Lewis, malulungkot s'ya. Kaya wag ka ng umiyak, okay?" 

My Last Wish (Nine Stars/ Hiling Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon