PART 4:

12 1 1
                                    


DREAMING LIAN.

"Lili! Tara laro tayo buti nalang gising kana!"
"Sige ba basta maganda yang lalaruin natin ah!" Sabi ko.
"Oo naman ako paba sa gwapo kong ito magiging pangit ang laro?" Biro nito.
"Rara!! Anu ba!! Biro ka ng biro!" Hinabol ko si Rara at tumakbo naman ito.
"Hahahha habulin moko Lili!!!"
"Rara hintayin mo ako di kaya ko marun--" Napatigil ako ng biglang may nangyari kay Rara.
BEEP BEEP.
"Rara! Rara!"
"Tulong tulong! Mama! Tita!!! Si Rara po!!!"

PRESENT.

"Wahhh!!!! Rara!!" Sigaw ko na si John Ray lang ata ang nakarinig. Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi tinignan ko ang relo ko at 2:17am palamang. Nagulat si John Ray ng napasigaw ako at siya din ay nagising na.

"Rara? Parang pamilyar sakinyun ah." Bulong ni John Ray sakanyang sarili.
"Teka anong nangyari sayo Lian? Okay ka lang ba? Tila pawis na pawis ka?"
"Ah wala nanaginip lamang ako pasensya na kung naabala kita sa iyong pagtulog.."
"Okay lang pero dahil nagising ako at kasalanan mo iyon ikwento mo yung napanaginipan mo." Ngumiti siya sakin na parang tuwang tuwa pa sa mga nangyayari.
"Sure ka ah?"
"Oo naman ako pa sa gwapo kong to dika naniniwala?"

Ikinuwento ko kay Kuya Ray este Ray. Feeling ko gulat na gulat siya at parang alam niya or siya ang nanaginip eh kaso bigla siyang sumingit nung sinabi kong may nasagasaan sa parte ng panaginip ko na nag ngangalang Rara.

"Teka Rara ba kamo? Tapos nabangga ba kamo ng sasakyan?!"
"Shhh..." Sabi ko kasi ang lakas eh parang pinapagalitan ako.
"Ay sorry.."
"Okay lang, Oo, Rara tas nabangga siya ng kotse at di ko alam bakit affected ako kasi may nag ngangalang Lili sa panaginip ko iyun at naaalala ko na tinigilan ng aking ina ang pagtawag sa nickname ko na iyon nung Grade 3 palang ako."
"Lili?!" Pabulong niyang tanong.
"Ikaw? Lili ang nickname?"
"Oo? Bakit?"
"Wala lang." Napigilan ako dahil gulat na gulat siya sa lahat ng kinuwento ko.
"Dika paba inaantok Ray?"
"Dipa... Eh ikaw?"
"Dipa din eh heheheh.."
"Halika labas tayo? Para malamigan tayo hehehe uminit kasi nung kinuwento mo hahah." Biro nito.

Sumang-ayon naman ako at agad kaming lumabas grabe! Ang lamig dito sa labas nakakatakot nga lang yung dagat kasi tignan mo palang kahit malayuan parang mag wa-wave o tsunami eh hahah.Nakita ako ni John Ray na parang takot na takot sa dagat. Nagulat nalang ako nang biglang hinawakan niya ang likod ko at hinarap niya ako sa pinatutunguhan niya siguro alam niyang naiilang ako sa dagat.

"Okay lang yan ako bahala sayo Gentleman kaya ako." Nag smirk siya. Hay nako iba talaga pag pala nakilala ko ang crush ko nag iiba ang turing saakin hahaha.

Umupo kami ni Ray sa may bench sa likod lamang ng mga tent namin at diko na papalagpasin ang itatanong ko sakanya na mga bagay na paborito niya at alam niyo na yung nangyari sa botohan.

"Um-m"
"Uhm.." Sabay naming sabi.
"May sasabihin kaba ?" Sabi ko.
"Meron sana kaso may sasabihin ka ata eh."
"Sige ikaw na mauna."
"Hindi ikaw nalang." Sabi nito.
"Okay kakapalan ko natong mukha ko sa pagtatanong. John Ray bakit moba ako nilapitan nung time ng botohan... Nakakahiya kaya! Tsaka kulet kulet mo kaya noh Tas nilapitan mo pa ako nung nag bye ako sianyo wahhh!!! Awkward!!"
"Hahah huminahon ka lang, Huminahon ka kung hindi di ko sasabihin kung bakit." Biro nanaman niya.
"Okay, ganto kasi yun kasi lahat ng nag kakacrush sakin nilalapitan ko kasi dinaman ako gaya ng ibang lalaki iiwan nalang basta ang nagkakacrush sakanila. Kuyare nag hi kasaakin siyempre mag hehello ako hanggang sa maging close tayo. Ganon."
"Ganoon ba? Nakakahiya talaga eh."
"Huwag kang mahiya dahil lahat ng ito um.."
"Huh? ano?" Tanong ko sakanya ang labo kasi ng mga sinasabi niya eh i cant hear it haha.
"Wala!" Sabi nito.
"Diba may sasabihin ka kyah? Ano nga pala iyon?"
"Ahh wala nakalimutan ko na eh.. Sorry ahahah." Mukhang nag sisinungaling tong mokong na ito ah! Palibhasa di kami masyadong close kaya hindi lahat dapat ipaalam.

"Pwede bang dito muna tayo?" Pakiusap ko kay John Ray.
"Oo naman dipa naman ako inaantok eh."

So ayun na nga hanggang sa Awkward mode nalang kami dito hahah nag kakahiyaan sa isat-isa
hay anko inaantok nako mga konti at diko na namalayan na nakatulog na pala ako sa balikat ni John Ray.
"Sweet Dreams Lian" Sabi ni John Ray saakin ngunit diko ito masyado narinig dahil nakatulog na ako.

JOHN RAY's POV.

Lili ikaw lang pala yan ikaw lang pala ang babaeng hinihintay ko hanggang ngayon..
Ang batang nakasama ko sa pagtanda... Alam mo bang di kita naaalis sa isip ko buong mag-araw..
Kase hinihintay kita at alam mo mula pagkabata natin ikaw na ang iniisip ko! Sana sana maalala mo pa ako Lian.

"Lian pasensya ka na kung gagawin ko ito."
Hinalikan ko si Lain nang hindi niya minamalayan..
Mga 3:52 ay binuhat ko na si Lian pabalik ng tent namin at saka natulog narin ako.

LIAN's DREAM.

"Rara? Gising kanaba? Bat dika sumasagot?!"
"Lili huwag kang mag-alala gigising din si Ray maghihintay tayo."
"Tita kasalanan kopo ba ito kaya po siya nasa hospital." Habang umiiyak kong sinabi kay Tita Yeka.
"Hay naku anak di mo ito kasalanan tumigil ka sa mga sinasabi mo dahil dapat itatak mo na wala kang ksalanan sa mga bagay na nangyayari ngayon lalo na kay Ray, huwag kanang umiyak Lili magigising rin siya pangako ko ito."

PRESENT.

Bakit ba lagi nalang ako nananaginip pag sinasabihan ako ni John Ray ng Sweet Dreams..
Tapos bat di Rara ang tawag nung tita ko sa panaginip na iyon? At bakit Ray? Siguro ay katang isip ko lamang ang gumagawa ng mga panaginip ko dahil nga lagi kong kasama si Ray kaya ayun nananaginip ako sa pangalan ni Ray bat diko ba siya maalis sa utak ko last day na sa susunod na araw ang pagsasama namin dito at siguro ay mamimiss ko talaga siya dahil nakasama ko siya ng matagal at tinutulungan niya pa ako. Siyempre Fantasy Family mahal na mahal ko kayo!

Page 4

Dreaming the FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon