This is a One Shot Story.
♚shakugan_♚
--
January 18, 20xx
The date said above is my birthDATE. And of course today is January 18. I am 16 years old now. Pero hindi halata. Lol.
Wala naman handaan eh. Niyaya ko lang gumala sa Moa si Jaime at Marie. Libot-libot.
Pagdating ng hapon tumambay kami sa seaside. Ano, papa-libre pa sila wala na nga akong pera. Haha.
"Hoy Annie napag-isipan mo na ba kung san ka mag-aaral?" tanong sakin ni Marie.
"Wala pa nga akong alam na school eh. Gusto ko sana itry sa PUP kaso tinatamad ako. Haha"
"Ogags ka. Sama ka na lang samin mag inquire"
"San ba yung school na pupuntahan niyo?"
"University. Hindi College" wika naman ni Jaime.
"Gusto ko ng university. Ayoko ng college. Maliit lang eh. Walang matatambayan. Hehe" sabi ko.
"Kami din naman eh. Ano sama ka?" segunda ni Marie.
"Sure. Hingi lang ako ng allowance kay Mama. Kelan tayo pupunta?"
"Sa lunes"
--
Pagdating ng lunes pumunta nga kami sa university na sinabi nila Jaime at Marie sakin.
Grabe naman pala mag-ayos ng mga requirements sa college. Nakakahaggard and at the same time nakakabutas ng bulsa.
Panay fastfood ang kainan. Hindi pa kasi kami tiwala sa mga karinderya na malapit lang sa university na yun kaya the whole process ng pag eenrol namin, panay kami MCDo. Peste yan. Naubos allowance ko.
At after 1 week...Officially Enrolled na ko.
Hindi natuloy si Jaime. Kami lang ni Marie. Sa private college nag enroll. Siya na mayaman. Haha.
June 6, 20xx
Eto naaa. Pasukan na namin. Grabe yung kaba ko. Yung lahat ng pwede mamawis, namawis lahat. Haha.
Tas pesteng yawa, late pa si Marie. Kanina ko pa siya hinihintay.
Yare ka talaga sakin Marie. Kakalbuhin ko lahat ng buhok mo sa katawan pag hindi ka pa dumating.
"Buti naman at dumating ka na?" bungad ko sa kanya paglapit sakin.
"Hehe. Sensya na na-late ako ng gising eh"
"Tara na! Mamaya na kita kakalbuhin. Male-late na tayo"
Hinila ko na yung kamay niya at sumakay na kami ng bus.
Pagdating namin sa school, buti na lang wala pa yung prof namin for the first subject.
"Buti wala pa yung prof. Sira ka kase eh" sermon ko kay Marie pagkaupo namin.
Hinihingal pa kami kasi tumakbo kami ng mabilis. Hindi pa nga namin alam yung mga room numbers kaya nalito pa kami.
Natapos lang yung buong araw na napakaboring. Wala man lang kami naging new friends.
After a month dun na nagsimula magkaroon kami ng barkada. Yung palagi kami magkakasama sa kainan.
Sa galaan oh kahit gimikan. Joke. Hindi ako marunong gumimik. Haha.
Syempre kasama sila sa mga kopyahan sa mga exams at assignments at seatworks. Lahat ng yan inaasahan ko na.
Pero ang hindi ko inaasahan ay ang magkaroon ako ng matinding pagkagusto sa isang tao.