by: elsipi-are
(Drik's POV)
Pasado alas-nuebe na ng makarating kami ni Lyka sa bahay nila. Nasa harapan na kami ng gate nila at magpapaalam na sana ako ng bigla syang magsalita.
"Uy Drik! Okay ka lang ba? Napansin ko kasi simula ng umalis mga kaibigan mo ang tahimik muna bigla." mausisa nyang tanong sakin habang inaantay namin na pagbuksan sya ng pinto.
"Ah. Eh. Wala naman nahilo lang ako onti sa ininom natin kanina." pagdadahilan ko.
"By the way, I'm sorry sa actions ko kanina. Dun sa...." naputol ako sa pagsasalita ko ng magsalita sya.
"Okay lang. Anu ka ba." matipid nyang sagot kaya bigla akong napatingin sakanya at nakita ko na nakatitig lang sya sakin.
"Bakit?" tanong ko sakanya.
"Ahhh. Wala parang bigla ka kasing naging iba. Di ko maexplain eh. Basta"
"Pasensya na, ang gulo kasi nila Brent kanina eh. Kaya napagod lang siguro ako. Sorry." at pagkatapos nun lumapit ako sakanya at ginulo ko yung buhok nya.
"Alam mo, ang lakas talaga ng topak mong baliw ka. Hindi talaga kita maintindihan minsan. Di ko kasi alam kung seryoso ka pa din ba sa sinasabi mo o nangttrip ka nanaman. Ang moody mo din kasi." nakapamewang nya na sabi habang magkaharap kami.
Natutuwa ako na hindi sya nailang sa pinaggagawa ko kanina at sa mga pinagsasabi ko kaya napangiti na lang ako habang nakatingin ako sakanya.
"Drik yung tungkol sa kaibigan nyo yung sinasabi nila Kevin. Yung deads na." nagulat ako sa biglaan nyang pagtatanong tungkol kay Jaden.
"Ah... Baby pagod na ko tska parang gusto ko na matulog. Okay lang ba kung uuwi na ko?" bigla kong sabi sakanya. Kasi sa totoo lang ayoko muna na mapag-usapan namin si Jaden gusto ko kasi i-enjoy muna ang lahat bago ko ikwento sakanya ang mga bagay na yun.
"Ganun ba? Sige, ingat ka ah. Text mo na lang ako pag nasa bahay ka na." sabay tapik nya sa balikat ko.
"Sige goodnight Lyka" pagkasabi ko nun bigla ko ibinaba yung ulo ko papalapit sakanya at nagulat ako sa kasunod na nangyari.
Nagpalat ang mga labi namin. Nanlaki yung mata ko kasi hindi ko intensyong gawin yun. Ang balak ko lang sana ay halikan yung noo nya pero bigla nyang iniangat yung ulo nya kaya nagdikit yung mga labi namin. Hindi ako manyak o mapagsamantala kaya nagulat din ako sa nangyari.
Napatingin ako sa mata nya at nakita ko na nagulat din sya kaya bigla kong ikinalas yung pagkakalapat ng labi ko sa mga labi nya.
Tumalikod sya bigla sakin dala na din siguro ng hiya nya sa nangyari at namayani yung katahimikan sa pagitan namin.
Ramdam ko yung lakas ng tibok ng puso ko ng mga oras na to. Alam ko na kinakabahan ako ng sobra sa nangyayari pero di ko alam bakit biglang gumalaw ng kusa yung katawan ko at bigla ko syang hinila paharap sakin at niyakap ko sya ng mahigpit.
Nagulat ako sa ginawa ko pero hindi ko na pwede pang bawiin ang pagkakayakap ko sakanya kasi nagawa ko na. Nakakahiya pero paninindigan ko na lang to.
Hindi ako nagsasalita at wala ding salita ang nanggagaling mula sakanya. Para naming nalunok parehas ang mga dila namin kasi walang nagsasalita at nakakabingi ang katahimikan sa paligid.
Ang tagal din naming nasa ganung posisyon ng bigla syang magsalita.
"Ahhh, Drik pwede mo na ba ako bitawan? Nakakahiya kasi eh" sabay turo nya sa gate nila gamit ang kaliwang kamay nya na malayang nakakagalaw mula sa pagkakayakap ko sakanya.
Pagkalingon ko nakita ko yung kasambahay nila na si Dang na nasa harap ng bukas na gate at mukang gulat na gulat yung muka nya sa nakita nya.
Ang laki ng mga mata nya at nakatakip pa yung dalawa nyang kamay sa bibig nya kaya binitawan ko agad si Lyka at napakamot na lamang sa ulo ko sa hiyang nararamdaman ko.
"Ay mukang naistorbo ko ata kayo Mam, sige sasara ko na lang po ulit yung gate tapus magdoor bell na lang kayo ulit pag tapos na kayo magyakapan ni Sir. Drik" pagtapos nyang magsalita eh dali-dali nyang sinara yung gate at narinig namin parehas ni Lyka na para bang kumaripas sya ng takbo papasok ng bahay nila.
Sa ginawang yun ni Dang bigla kaming nagkatinginan ni Lyka at nagtawanan ng malakas. Nung una nahihiya ako sakanya pero dahil sa nangyari at ginawa ni Dang biglang nawala yung ilang at hiyang nararamdaman ko.
"Pasensya na makulit lang talaga yang si Dang." sabay tawa nanaman ng malakas ni Lyka.
"Ang kulit eh nu. Di ko maipinta yung itsura nya sa nakita nya na..." sabay biglang sumeryoso yung muka ko at sya namang pagtigil ni Lyka sa pagtawa.
Huminga ako ng malalim at saka ulit ako nagsalita.
"Baby...
Pasensya na,
Di ko sinasadya yung ano.
Yung..
Ano,
Basta yung...
Yung." di ko matuloy-tuloy yung sasabihin ko kasi nakakahiya na sabihin sakanya yung tungkol sa di sinasadyang kiss na nangyari saming dalawa.
"Kaw naman kasi eh. Dapat sa noo yun. Eh.... bigla mung inangat yung ulo mo. Ayan tuloy." sabay kamot ko sa ulo ko.
"Wag mo ko titigan ng ganyan Baby. Please" dagdag ko pa ng mapansin ko na seryoso lang syang nakakatitig sakin.
"Bakit?" tanong nya sakin bigla.
"Anung bakit?"
"Bakit ka ganyan sakin"
"Ahhhh... Kasi, anu..." di ko natuloy yung sasabihin ko ng biglang bumuhos ang malakas na ulan na ikinagulat naming dalawa.
Agad pinindot ni Lyka yung door bell at ako naman binuksan ko agad yung kotse ko at sinenyasan ko si Lyka na dun muna kami habang di pa nabubuksan yung gate nila.
"Grabi! Wala man lang pasabi yang ulan na yan. Nabasa tuloy tayo" sabay napatingin ako sakanya habang pinupunasan nya ng panyo ang nabasa nyang mga braso.
Habang tinititigan ko sya hindi ko mapigilan na humanga lalo sakanya. Kahit na muka syang basang sisiw ang ganda-ganda pa din nya. Para tuloy akong namamagnet sakanya at gusto ko syang yakapin.
"Ganda mo talaga." bigla ko na lamang nabulaslas na ikinagulat ko.
"Ahhhh? Anu sabi mo? Sorry ang lakas kasi ng ulan eh. Hindi ko masyado narinig"
"Wala, sabi ko ayan na may sundo ka na." sabay turo ko sakanya kay Dang na papalapit sa kotse ko at may dalang payong para sakanya.
Agad naman nyang binaba ng onti yung bintana at tinawag si Dang.
"Sige Drik una na ko ah. Magpalit ka ng damit pag-uwi mo para di ka magkasakit. Ge bye. Ingat ka" sabay tapik nya sa mga kamay ko.
"Ahhh. Sige Sige, thanks text na lang kita pag-uwi ko. Bye" sabay labas nya ng kotse ko at nagmamadaling tumakbo papasok ng bahay nila kasama si Dang.
Author's Note: Hi Friends! Thanku sa pagbasa ng chapter na to sana nagustuhan nyo. And Pasensya na po kung naiksian kayo. Hehehehe. Siningit ko lang kasi to kaya ganun. Anyway wag nyo po kalimutan magcomment and vote. Please feel free! :) Maraming salamat! more powers!