Tsundere

9 1 0
                                    

Marie POV

Hay nako bakit ba kasi di ako nagdala ng payong ko, ayan tuloy tunganga ako dito sa waiting shed pero okay lang yan diba? Aantayin ko lang naman na tumila yung ulan, sanay naman na akong mag antay lalo na sa pag aantay na baka mahalin rin nya ako.

Nahagilap ng mata ko si Mark na naglalakad, sana payong na lang din ako para mahawakan nya ako gaya ng paghawak nya sa payong nya, tumakbo ako palapit sa kanya at nakisilong

"What the?! Kabute ka ba?! At bakit ba kasi di ka nagdadala ng payong ha? Tanga ka ba binalita na nga kagabi na may mararanasang pag ulan ngayon di ka pa nagdala, palibhasa kasi bobo tsk'

Ang sakit, sakit sobra okay lang sana kung galing yan sa ibang tao at baka mapano ko pa pero pag sa kanya na galing nagmukmuka akong walang laban...

'Oh eto hawakan mo? Ano ako katulong mo at ako pa maghahawak para sayo? tutal ikaw naman tong nakikipayong ikaw maghawak, Alam mo di ko alam kung sadyang tanga ka lang o timang, di mo pa alam makiradam ikaw na nga tong nakipayong aish'

Inabot nya sakin ang payong at ako nga naghawak... Ako di marunong makiramdam? Eh ikaw marunong ka ba? Ni nararamdaman ko di mo maramdaman tuwing nagbibitaw ka ng masasakit na salita...gusto kong sabihin yan sa kanya pero parang nawalan ako ng dila....dahil sa sakit di ko na rin magawa pang magsalita

'Oh ano na? Wag mong sabihin na ihahatid pa kita, baka nakakalimutan mo dun ka sa kaliwa, at ako dun sa kanan, Tsk di lang pala bobo, ulyanin din'

sa lalim ng pag iisip ko di ko namalayan na nasa crossed way na pala kami.. binigay ko na sa kanya yung payong, humakbang ako papuntang kaliwa ngunit dahan dahan ang pagtahak ko dahil nga sa walang ilaw dito cellphone ko lang ang nagsisilbing ilaw ko...

Mayamaya nakaramdam ako ng takot, dahil sa mga kaluskos na naririnig ko, nanginginig na ako sa takot at binilisan ko ang aking paglalakad, lord protect me from evil please, dasal ko sa aking isip .

Nagulat ako sa humablot sa aking kamay at dahil sa gulat ko napasigaw ako ng malakas, nanginginig na ako sa sobrang takot at kaba, naramdaman ko na din ang paglambot ng aking mga tuhod

*Sobs* 'please po maawa kayo, wag po' pagmamakaawa ko sa kung sino mang walangyang nanghablot sakin

" shshhshh tahan na tahan na, you're safe with me, so please don't cry, I am here, you see I hate crybabies you know'

Sabi ng kung sino man sabay hagod sa likod ko------teka familiar yung boses sakin ah......Mark!

so I looked up to confirm what i am thinking and i was right it was him, he looked to me too, he looks worried

'Mark? Akala ko umuwi ka na?'

binitawan naman na nya ako sa pagkakayakap... kaasar ieenjoy ko pa lang sana yung pagyakap nya sakin e kaasar naman oh

' Tara na hatid na kita sa inyo, alam mo kasi kapag ganitong gabi at umuulan dapat nagpapasundo ka sa inyo, delikado para sa babae ang maglakad o bumyahe mag isa, next time ha gawin mo yun

'Ayiee worried sya sakin' sabay pindot sa tagiliran nya

"Hey stop it! It's not like what you're thinking, oh eto isuot mo' sabi nya sabay hagis sakin ng kung ano

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Got7 (Filipino One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon