Nagising nalang ako mula sa pag iinarte ko, este mula sa pagkahulog ko sa hagdanan ng nakahiga na sa sofa dito sa sala namin.
Medyo masakit ang katawan ko. Kung bakit ba naman kasi may horror na naganap e.
July palang pero may takutan ng nangyari.
Hindi ako nainform na July na pala sinecelebrate ang halloween ngayon."Ohh.. gising kana pala" sabi ni yaya chadeng at inabutan ako ng isang basong tubig. Bakas sa mga mata nito ang pag aalala. "Ano bang nangyari sayong bata ka at dyan ka sa hagdanan nagdidive?" tanung nito.
Seryoso? Nagdidive talaga? Pinagsasasabi ng taong to? Di naman ako tanga para magdive no!! Saka kelan pa naging swimming pool ang hagdan? Tsk!!
Concern ba talaga ito? o nang aasar lang?.Kunot noo ko syang tinignan na para bang sinisino sya. "Si..sino ka?, Nasaan ako?!" Patay malisya kong tanong na akala mo e nawalan ng memorya.
"Hoy! Maria Alexandria tigil tigilan mo ako sa keme kemeng amnesia eksena mo dyan..Baka hindi kita matansya at ibalibag kita paakyat sa itaas" Biro nitong sagot sa akin.
"Huh? wait lang.. Ang sakit ng ulo ko" daing ko na kunwari masakit talaga, pero totoo nyan masakit syang talaga pero slight lang' mas masakit padin yung birhen kong katawan. "Sino ka ba?, Nasan ako?, saka.. saka anong nangyari?" pag iinarte ko pa.
"Hala kang bata ka naalog ata masyado yang utak mo at mukang nakalimot kang talaga. Halika dito ipapaalala ko sayo kung sino ka at anung nangyari sa iyo." hinawakan nga nya ang mga braso ko patayo at hinila ako paakyat ng hagdanan.
Medyo hard nga sya ngayon. Ganito ba kapag menopause na?! Ang HB ng bangs?
Kaya pala hindi nakapag asawa e."Aray naman yaya" reklamo ko dito habang hinihila nya talaga ako paakyat ng hagdanan.
Balak ata talaga nitong ihulog ulit ako para makaalala kuno ako. "Yaya naman e joke lang" pagmamakaawa ko dito.
Sa wakas binitawan na nga nya ako.
"Kala mo madadaan mo ako sa amnesia.. Amnesia kemerut mo no?" nakatawang sabi nito "Ano bang nangyare sayong bata ka at yang hagdanan ang napagtripan mo?, sabi ko pumanik ka sa kwarto mo at magbigti nalang hindi ko sinabing magdive ka dyan. Edi kung alam ko lang na ganyan pala ang gusto mo di sana tinulungan pa kita" pang aasar nitong sermon.
Medyo nagpantig ang maliit kong tenga sa mga sinabi ng bruhang ito. Nagdilim din ng very light lang ang maliwanag kong paningin. Medyo maldita ang peg ni Yaya ngayon.
"Ganoon po ba? Tara po sa itaas at kayo nalang ang tutulungan kong itulak dyan" pilit ko syang hinihila paitaas ng hagdan. "Baka kasi namimiss nyo na si mama at papa.. Tara po dali" habang hinihila padin sya paitaas.
"Hay!! Tigilan mo akong bata ka!! Istorbo ka sa gawain ko lam no yon te" reklamo nito.
"Ano ba kasing ginawa mo at nahulog ka dyaan?" turo nito sa hagdan.