KABANATA 38

1.2K 2 0
                                    

KABANATA 38
KASAWIANIpinakita sa kabanatang ito ang mag-amang Tales at Tano at ang kanyang lolo na si Tandang Selo. Si Kabesang Tales ay isa ng kilabot na tulisan at tinatawag ng Matanlawin. Si Tano ay isa ng Guardia Sibil at mas kilala sa ngalang Carolino at si Tandang Selo ay isa na ding tulisan. Makikita natin dito si Tano/Carolino at kasama pa ang ibang indiong guardia sibil na nagpapahirap sa mga bihag nilang pinaghihinalaang tulisan. Walang awa nilang pinapalakad sa ilalaim ng init ng araw ang mga ito ng walang saplot sa paa at uhaw na uhaw at di man lang maabutan ng tubig. Si Carolino sapagkat mabait ay pinagalitan ang kanyang kasamahang si Mautang sa paghahagupit sa mga bilanggo kapag natutumba at di na makayanang maglakad. Sinabi ni Carolino na maawa ito sapagkat tao din naman ang mga bilanggong iyon at katulad din nila, subalit hindi sya pinakinggan ni Mautang. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may mga tulisang lumusob sa kanilang paglalakbay sa gilid ng gubat na iyon at nagkaroon ng palitan ng putok, namatay si Mautang at iba pa nitong kasamang guardia sibil. Nang may isang tao silang nakita sa itaas ng bato sa bundok ay iniutos kay Carolino na ito ay barilin sapagkat tulisan din iyon. At ginawa nga ni Carolino. Nang matapos ang putukan, tinignan nila ang mga tulisang nagkamatay din at doon ay nakita ni Carolino ang isang mukhang hindi nya maaring kalimutan, at iyon ay walang iba kundi ang kanyang Lolo Selo. Siya ang nakapatay sa kanyang Lolo Selo. At si Tano ay parang nawalan ng lakas at imik.

Makikita natin dito ang irony ng buhay nila Tandang Selo, Kabesang Tales at Tano. Sila ay nagkahiwa-hiwalay ng landas sapagkat sila ay napilitan. Ito ay hindi nila kagustuhan! Dahil sa paghihirap at kasamaang dinulot sa kanila ng mga prayle ay nawalan sila ng kabuhayan at nagkahiwa-hiwalay. Dahil dito ay napilitan silang maghigante sa kanilang sari-sariling paraan. At si Tano ay nagdurusa sa kanyang trabaho. Makikita din natin na sa kabanatang ito huling binanggit si Kabesang Tales at Carolino at sila ay nanatili pa ring tulisan at guardia sibil. Walang klarong paglalahad kung ano talaga ang nangyari sa kanila.

El Fili Buod Kabanata 1-39Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon