Paulit-Ulit

385 3 0
                                    


Paulit-ulit, ulit-ulit mong pinaramdam sa akin, na ako lang sapat na, ako lang at ikaw wala ng iba, ikaw at ako, tayo lang dalawa paulit-ulit at paulit-ulut din akong naniwala.

Paulit-ulit akong naniwala kasi naramdaman ko na totoo, na ako at ako lang ang mamahalin mo hanggang dulo, ako lang at alam kong ikaw ay seryoso dahil palagi mong pinaparamdam ng paulit-ulit at paulit-ulit ko din itong nadama.

Paulit-ulit mong ginagawang maglambing at umalala kaya sa sobrang paulit-ulit na, naumay at nagsawa kana diba? Aminin mo, wag ka nang magpalusot at umarteng maamong aso na parang inosenteng tatahol ng paulit-ulit, magpapaliwanag "it's not you, it's me" linyang nakuha mo sa pelikulang paulit-ulit nating pinapanood paulit-ulit nating inayakan kasi nga masyado ka nang apektado at gusto mo na ding magpaalam.

Paulit-ulit akong nagtatanga-tangahan, nagbubulag-bulagn na hindi pa ito, hindi pa ito ang dulo ng ating kwento, hindi ito matatapos sa malungkot at pagkasawi dahil walang multo hindi ito katatakutan o patayan dahil kwento ko ito na nagmamahal sa'yo at kwento mo na minamahal ako, sandali, minamahal mo pa nga ba ako?

Paulit-ulit kong sinasabing mahal kita, kumain kana ba? Nasaan kana? Ingat ka, wag mong pababayaan ang sarili mo dahil wala ako kung wala, ang haba ng mga sinasabi ko paulit-ulit umaga tanghali at gabi subalit ang mga sagot mong mahaba rin nung una'y paikli na ng paikli senyales ba ito na tuluyan ng mababali, mababali na ang koneksyon mula sa puso ko diyan sa puso mo?

Paulit-ulit nagpadala ng liham ngunit walang sagot kaya ako na lang mismo ng sumagot at nag-isip ng mga linyang posibleng iyong ipadala, oo mahal din kita, mahalaga ka, ikaw ang buhay ko subalit mapuputol at sisingit ang puso at sasabihing tama na, tama na, nasasaktan kana, kung pagod ka ng magmahal, hindi masamang magpahinga at bumitaw na.

Paulit-ulit ka nang nasasaktan at nagdaramdam sa pag-ibig na hindi mo na nararamdamang bumabalik, di na tulad ng dati, wala na siya, wala na siya sa'yong tabi.
Hindi man niya sinabi pero tuluyan kana niyang iniwan, alam kong alam mo pero pilit kang nagbubulag-bulagan, niloloko mo lang ang sarili mo.

Paulit-ulit kang magtatanong kung saan ka nagkulang?
Kasalanan mo ba na sobra sobtang nagbigay o siya na hindi na lumaban?

Kasalanan mo ba dahil hindi ka naging sapat at sa kanya marami kang pagkukulang, bakit ka iniwan, paulit-ulit mong dadaanan ang tanong na alam mo na ang sagog pero gusto mong manggaling mula sa binig niyang madamot, madamot dahil di niya masabing ayaw na niya, hanggang dito na lang at iiwan kana! Punyeta! Sabihi n mo naman sana kung ayaw mo na at kung HINDI MO NA MAHAL yun lang hinihintay ko para magising at huminto sa paulit-ulit na pag-asa at pagpapakatanga sa taong walang ginawa kundi saktan lang ko kahit wal naman akong ginawa kundi mahlin siya at bigay ang buong ako, buhay ko, kaluluw ko, lahat-lahat pati aking pagkatao, GAGO!

Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon