1. Blunder At First Sight

15.7K 253 21
                                    

http://www.phr.com.ph/

https://www.preciousshop.com.ph/home/

http://www.booklat.com.ph/


"Sonny, Ivy, gusto ko pa kayong pagbigyan pero naka-duty na ako in about fifteen minutes. Kailangan ko na talagang bumalik sa quarters namin," paliwanag ni Jam sa mga kaibigan niya.

Silang magkakaibigan ang nagbigay ng party sa magnobyo. It was just a well-wishers' party, dahil tapos na ang shower at stag party ng mga ito. Tatlong araw na lang at ikakasal na ang dalawa.

Kasalukuyan silang nasa Fine Sand Beach Resort noon. Isang resort iyon na exclusive lang sa mga miyembro. Sa pinakamalaking beach house isinasagawa ang party.

Maiingay na ang mga kasama nila. Nangingibabaw ang ingay ng mga ito sa malakas na tugtog.
"Ako ang bahala sa boss mo," sagot ni Ivy. "Sagot kita sa kanya kaya huwag kang mag-alala. Tapusin mo na ang party."

"Ivs, ayoko naman ng gano'n. Mabuti sana kung maaga akong nag-notify na hindi ako magdyu-duty. Pagha-half-day lang ang notification ko sa boss ko."
Isa ang ama ni Ivy sa tatlong may-ari ng resort. Ito ang nakiusap sa ama nito na mabigyan siya ng trabaho roon. Kaya naman ayaw niyang may masabi sa kanya ang sino man doon.

"Isang shot pa lang ang naiinom mo. Dagdagan mo pa ng isa. One for the road," pangungulit ni Sonny. Mukhang may tama na ito gaya ng ilang kalalakihan doon.
Tiningnan niya si Ivy. Nakuha naman nito ang ibig sabihin ng tingin niyang iyon. Ito na ang kumuha ng wineglass na ipinipilit sa kanya ng nobyo nito.
"Honey, pabayaan mo na si Jam. Hindi mo na mapipilit uminom 'yan. Mahirap mag-duty na may tama ng alak."

"Dati namang malakas sa inuman 'tong kaibigan nating 'to, ah. At saka one for the road na lang 'to," pangungulit pa rin ni Sonny. Binawi nito ang wineglass kay Ivy.

Hindi na niya itinama ang sinabi nito. Hindi naman siya lalayo sa resort. Napilitan siyang kunin na ang wineglass, ngunit hindi pa rin ininom ang alak. Ipinatong lang niya ang baso sa bar.

Naiinis na siya kay Sonny. May hindi magandang scenario na pinupukaw ito sa kanyang nakaraan. Kumaway na siya sa mga naroroon at mabilis na lumabas ng beach house.

"Jam!" tawag ni Ivy sa kanya hindi pa man siya gaanong nakalalayo. "Ang payong mo."

Napahinto siya. "Naku, oo nga pala." Binalikan niya ito.

"Wala kang sunblock," paalala nito. Alam nitong kapag hindi siya nakapaglagay ng sunblock lotion ay palagi niyang bitbit ang kanyang payong.

"Oo nga, thanks." Ibinukas na niya ang payong.

"Jam, pasensiya ka na kay Sonny, ha? Makulit talaga ang isang 'yon, eh."

Ngumiti siya rito. "Alam ko. At alam ko rin kung gaano ka niya kamahal."

"Right. Kaya nga ako magpapakasal sa kanya."

Napuna niya ang kakaibang ekspresyon na dumaan sa mukha nito. Ivy was petulant. Tila ito isang bata na napilit lang sa isang bagay na hindi nito gusto. "You still have time, you know."

"What are you trying to say?" Siya naman ang pinagmamasdan nito.

"Ang ibig kong sabihin, kung may kaunting duda ka pa sa pagpapakasal kay Sonny, may panahon pa para pag-isipan mong mabuti ang tungkol doon. Then call it quits if you have to."

"Jam, three days na lang at ikakasal na kami."

"So what? Ano naman ang gusto mo, isubo ang sarili mo sa kanya kahit na-realize mo na hindi mo pala talaga gustong magpakasal sa kanya?"

Napangiti ito, pilyang ngiti. "You know what? I might take your advice for that. Now, go. Late ka na."

Tinalikuran na niya ito.

Braveheart Series 6 Flynn Falcon (Free Spirit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon