Mahal naalala mo pa ba?
Naalala mo pa ba yung unang ngiti mo sakin?
Yung unang ngiti mong nag bago sa ikot ng mundo ko
Yung mundo kong malungkot at walang ka buhay-buhay
Yung malungkot at walang ka buhay-buhay nayon nag bago dahil sa isang ngiti mo mahal
Oo mahal kita obvious naman diba
Hindi naman ako mahuhumaling sa ngiti mo kung hindi dibaMahal naalala mo pa ba tuwing natutulala ako sayo
Natutulala ako sa tawa at ngiti mo
Mahal,mahal kita ng sobra
Pero tama na mahal masyado nang masakit
Masakit na pustahan lang pala lahat
Lahat ng pinakita at pinadama mo pawang sapilitan lang pala
Na pang pusta lang pala yung estado ko sa buhay moMahal,mahal parin kita kahit na ang sakit-sakit na
Mahal kahit pang pusta lng ang halaga ko sayo
Kahit na naging instrumento lang ako para sa kasiyahan niyo ng barkada mo
At least naging parti ako ng rason kung bat ka masaya mahal
Ang tanga ko naba mahal?
Kasi mahal padin kita sa kabila ng lahat?
Wala ginayuma mo ata ako sa ngiti mo mahal
Na kahit lumipas man ang panahon alam ko sa sarili ko na nag-iisa ka dito sa puso ko mahal.