Hingal na hingal na ako mula sa kakatakbo. At kahit ang lamig ng hangin, pawis na pawis at init na init ang buong katawan ko. Hindi ko nga alam kung saan ako papunta o kung matatapos pa ba ang pagtakbo kong ito. Hindi ko rin alam kung bakit ako tumatakbo.There was just something in my thoughts na nagsasabing sige lang, pagpatuloy mo ang pagtakbo. Gustuhin ko mang tumigil ngayon, parang may sariling utak ang mga paa ko at patuloy pa rin ito sa pagtakbo. Alam ko na kung ipagpapatuloy ko pa ang kahibangang ito, hindi ko na ito kakayanin pa pero instincts told me na may nagbabadyang panganib kung titigil ako.
Hindi ko man mawari kung ano, there was something that urged me para lumingon sa likod ko. At sa paglingon ko wala akong nakitang. Walang humahabol sa akin. It was a deserted road. Dapat na nga akong makaramdam ng seguridad ngayon, pero kahit konting seguridad wala akong naramdaman. Instead, matinding kaba ang bumalot sa akin.
Bang!
Isang putok ng baril na hindi ko malaman kung saan galing. Kasabay ng malamig na hangin na bumalot sa akin ay ang amoy ng dugo.
Bang!
Ayan na naman ang putok ng baril. Bumilis ang pagdagungdong ng puso ko. Lalong bumilis ang pagtakbo ko. "Tumakbo ka lang pero hindi mo ako matatakasan." May kung knaninong boses ang bumubulong sa akin. Pamilyar ang boses pero hindi ko talaga mawari kanino iyon.
Bang!
Mas lalong lumakas ang putok. Mas lalong umalingawngaw ang dugo. Sh*t! Mas lalo ata akong lumalapit sa panganib ngayon. Gusto kong tumakbo pabalik, pero ayaw talaga ng mga pasaway kong paa. Dire-diretsto lang talaga ako.
Dugdugdugdugdug....
Akala ko talaga makakalabas na mula sa dibdib ko ang puso ko dahil sa bilis ng pagtibok nito. Takbo pa rin ako ng takbo hanggang sa may naaninag akong nakakasilaw na liwanag na unti-unting lumalapit sa akin hanggang sa...
Booogsh!!!
Wala na akong nagawa kundi ang ipikit ang aking mga mata. Dumilim ang aking paligid at wala na akong narinig pa. At parang isang pelikula, nagreplay ang isang bangungot na pilit kong kinakalimutan...
Perpekto ang gabi ngayon. Maningning na kumikislap ang mga bituin sa madilim na kalangitan. Ang simoy ng hangin hindi masyadong malamig, sakto lang para hindi ka mainitan sa gabing iyon. Kahit malayo pa lang ako, nakikita ko ang inihanda niya. Napangiti ako.
May nakahandang dinner para sa aming dalawa sa ilalim ng nakatayong tent sa gitna ng park na punong-puno ng puting lilies at puting rosas. Iniilawan ang paligid namin nga mga dilaw na christmas lights na nakasabit sa mga poste ng tent na para bang isang vine. Kung titignan mo nga sa malayo parang kinontsaba na rin niya ang mga kulisap na nakatira doon. Meron din siyang inihandang puting grande piano gilid. Ano ba ngayon? Iyon agad ang natanong ko sa aking sarili.
Wala akong maalalang espesyal na okasyon ngayon. Hindi ko birthday at mas lalong hindi din naman niya birthday. Hindi din naman namin anniversary, not even our monthsary.
"Hi..." Bati ko sa kanya nang makarating na ako sa kinaroroonan niya. Ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa pisingi. Inabutan niya rin ako ng bouquet ng paborito kong puting rosas. Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito, pero hindi ko ginawa at hinayaan na lang siyang gawin ang gusto niyang gawin. Pinaupo niya ako sa upuang inireserba niya sa akin at nagpunta na siya sa pwesto niya sa harap ng piano.
Hindi ko inalis ang mga tingin ko sa kanya. Nakasuot siya ng puting t-shirt, maong na pantalon at iyong itim na Converse na ibinigay ko sa kanya nung birthday niya. Kahit ang simple niyang pumorma, ang gwapo pa rin talaga ng lalakeng ito.
BINABASA MO ANG
Salamin
Mystery / Thriller"Hindi ka makakatakas sa akin, ako at ikaw ay iisa..." -Read at your own risk-