Hustisya

8 1 0
                                    

Diyosa man ng hustisya ay nakapiring
Sa kanyang bulsa'y may gintong nakalibing
Sa Inosente'y parusay patitikim
Pinawalang sala tunay na salarin

Kahit pa ikay matuwid, di ka ligtas
Kung ang paglilitis ay hindi patas,
Nawawalan ng silbi ating batas
Dahil kinokontrol ng matataas,

Kahit wala ka pang kasalanan
Ikaw pa ri'y mapaparusahan
Makakamit ba ang kapayapaan
Kung hustiya'y napapabayaan

Mga mahihirap lang ang naiipit
Dito sa'ting lipunang puno ng dalit
Sa ating buhay na puno ng pasakit
Ang hustisya ay kailan ba makakamit.

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon