Pasensya

638 21 11
                                    

ALAS-KWATRO ng hapon. Hindi na masyadong mainit. Katatapos mo lang sa pagsa-side line sa talyer ni Mang Romy. Dumaan ka sa isang iskinitang minsang mo lang daanan. Naisip mo kasi mas mapapabilis kung dito ka dadaan. Suot mo ang butas-butas mong sando. Kupas mong short at sira-sira mong tsinelas.

"MAGNANAKAW!"

Umalingawngaw ang boses ng babaeng sa pakiwari mo'y nasa kwarenta anyos at halos mapatalon ka sa iyong kinakatayuan ng mga sandaling iyon. Siya ang babaeng nabangga mo habang naglalakad ka dahil sa iyong pagmamadali pauwi ng inyong tahanan.

Ulila ka na sa Ina. Namatay ang iyong Ina dahil sa panganganak sa bunso mong kapatid. Wala kayong sapat na pera noon upang maitakbo sa ospital ang iyong Ina. Nalulong sa sugal ang iyong Ama at ang siyam na buwan mong ipon upang makadagdag sa gastusin para sa pagpapa-ospital ng iyong Ina sa oras na siya ay manganak ay walang pagdadalawang isip na ginamit ng iyong Ama sa pagbabaka-sakaling maging doble pa 'yon. Ngunit ang buhay ay walang kasiguraduhan. Natalo ang iyong Ama sa sugal. Dal'wang araw matapos ang pagwawaldas ng pera ng iyong Ama. May nangyaring hindi mo inaasahan. Namatay ang iyong kapatid sa sinapupunan palang ng iyong Ina sa kadahilanang pumulupot ang pusod ng bata sa sariling leeg nito na naging sanhi ng pagkamatay nito sa loob at dahil na rin sa pangyayaring iyon nagdala ito ng inpeksyon na naging sanhi ng pagkasawi ng iyong Ina. Mabuti na lang at marami ang tumulong sa inyo upang maihatid sa huling hantungan ang iyong Ina at kapatid ng maayos. Masakit para sa iyo ang bagay na 'yon. Simula noon ay parang wala nang naiwan sa iyo. Oo nga at buhay ang iyong Ama ngunit palagi itong lasing dahil sinisisi nito ang kanyang sarili sa pagkawala ng iyong Ina at kapatid.

Nagbalik ka sa realidad nang maramdaman mo ang higpit na pagkakahawak ng mga lalaking nakapalibot sa'yo ngayon sa iyong magkabilang braso.

Luminga-linga ka sa paligid dahil nagsimula na ang gulo sa masikip na iskinitang iyong kinakatayuan.

"Magnanakaw ang batang 'yan!"

Sa bilis ng pangyayari ay natagpuan mo na lamang ang iyong sarili sa lugar kung saan ang mga tinatawag na Alagad ng Batas.

"Hindi ka ba talaga aamin?" sigaw ng isang lalakeng may kalakihan ang tyan. Nakasuot ito ng uniporme na kulay asul. Nakaharap ito sa iyo at naghihintay ng isang sagot na gusto nilang marinig mula sa'yo.

"Sir, maawa po kayo. Wala naman po talaga akong kasalanan." halos hindi mo na marinig ang sarili mong boses. Nalalasahan mo na ang sarili mong dugo dahil sa ilang beses ng pagkakasapak sa'yo. Ngunit ano nga naman ang laban ng isang dise-sais anyos na tulad mo sa tinatawag nilang Alagad ng Batas.

"Punyeta! Halika dito!"

Hinigit ng lalakeng may kalakihan ang tyan ang sira-sira mong damit at pilit kang itinatayo. Wala ng natitirang lakas sa'yo upang lumaban dahil sa tuwing susubukan mo ang bagay na iyon ay doble lamang na sakit ang naibabalik sayo.

Buong lakas kang hinigit ng lalakeng mataba at dinala sa isang kwarto. Rinig na rinig mo pa ang tawanan ng mga taong iyon sa paligid bago tuluyan sumara ang pinto. Hindi naman ito sobrang dilim. May kaunting liwanag galing sa isang maliit na bumbilya sa gitna ng apat na sulok ng kwartong iyon. May maliit na lamesa at upuan ka ding natatanaw.

Iniwan ka ng lalakeng mataba sa loob ng nasabing kwarto.

Naisip mo ng mga oras na 'yon ay mas mabuting ikulong ka na lang nila dito kaysa matikman ang hagupit ng mga taong sinasabi nilang tagapagligtas ng naaapi. Ngunit hindi pa pala natatapos ang kalbaryong iyong kinakasangkutan.

"Kung umamin ka sana Bata. Hindi na sana aabot sa ganito."

Hinanap ng iyong nanlalabong pares na mata kung saan nanggagaling ang tinig na iyon. Nang magtagpo ang iyong mga paningin ay binigyan ka niya ng mala-demonyong mga ngiti. Bilugan ang mata. May kalakihan ang ilong. Pangahan ang hugis ng mukha at balbas sarado kung iyong tititigan.

Tumayo ang lalaki at unti-unting lumapit sa'yo. Habang papalapit siya sa iyo ay naririnig mo rin ang tunog ng bakal ng kanyang sinturon. Inalis niya ito sa kanyang pantalon at pinaikot sa kanyang kanang kamay.

"Hubarin mo!" saad niya gamit ang ma-awtoridad na tinig. Halos mabingi ka sa narinig mo. Gulung-gulo ka. Ano ang huhubarin mo? Ang suot mong sira-sirang damit? Naging malinaw ang kanyang inuutos nang ituro niya ang kanyang pantalon na siyang huhubarin mo. Hindi ka pa rin kumikilos.

"Ahh!" daing mo ng tumama ang bakal ng kanyang sinturon sa leeg mo.

"Pag sinabi ko. Susundin mo. Maliwanag? Sagot!" sigaw niya at naramdaman mo na lamang uli ang bakal sa tumama naman sa iyong kaliwang balikat.

"Ngayon! Hubarin mo." mahina ngunit mariin niyang saad sa'yo.

Gamit ang nanginginig mong mga kamay ay pikit-mata mong tinatanggal ang pagkakabotones ng kanyang pantalon. Unti-unti mo rin binababa ang zipper ng kanyang pantalon. Ang tikhim ng kanyang ngisi at ang iyong munting hikbi na lamang ang naririnig mo sa apat na sulok ng kwartong iyon. Binaba mo ang kanyang pantalon kasama ng maliit na telang humaharang sa pagitan ng kanyang mga hita.

Hindi pa nakuntento ang demonyong nasa harap mo sa pambababoy sa pagkatao mo. Hawak-hawak niya ang iyong buhok at pilit pinapagawa sa iyo ang isang bagay na kahit sa panaginip ay hindi mo ninais na gawin. Ungol at mura na lang ang lumalabas sa bibig niya.

Pagkatapos ay basta-basta ka na lang niya hinila mula sa iyong pagkakaluhod at dinala sa isang sulok. Pinaharap ka sa dingding. Ang iyong kanang pisngi ay mariing nakadikit sa magaspang na dingding na iyon. Ramdam na ramdam mo ang hapdi ng iyong mga sugat mula sa mga taong halang ang kaluluwa.

Lumakas ang iyong hikbi ng walang pasubaling sinira ng demonyong iyon ang iyong pababang kasuotan. Kinuha niya ang maliit na upuan at pilit pinapatong ang iyong kaliwang paa.

"Ahhhhhh!" malakas na sigaw ang lumabas sa bibig mo. Hindi mo alam kung dahil ba ito sa malakas na pag-umpog niya sa ulo mo sa pader o ang katotohanang patalikod kang binababoy ng isang demonyong nagtatago sa unipormeng akala mo magliligtas sa mga taong katulad mo. Ang isang propesyong minsan mong pinangarap. Paulit-ulit niyang pinapasok ang kanyang sarili sa iyo.

Madiin.

Mabilis.

Walang awa.

Wala kang magawa. Hinang hina ka na. Ramdam mo ang pagdaloy ng pulang likido sa ulo mo dahil sa paulit-ulit na pag-untog ng ulo mo sa pader. Nang matapos siya ay binitawan niya ang pagkakahawak sa iyo. Doon na tuluyang sumuko ang katawan mo. Napahiga ka sa sahig. Pilit mong inaalala kung gaano kalupit ang lipunan sa mga taong tulad mo. Kung paano naging mapanghusga ang mga taong nakapaligid sayo.

Narinig mo pa ang tunog ng pagkakasara ng kanyang zipper sa kanyang pantalon. May narinig kang katok.

"Ano 'yon? Di ba sinabi kong --" naputol ang sasabihin ng demonyong lalake ng biglang nagsalita ulit ang isang lalaki.

"Sir, di naman pala talaga nanakawan yung Ale. Ayon sa anak nung matanda, naiwan daw sa bahay nila yung cellphone. Pasensya na daw sa Nanay niya at medyo may pagka-ulyanin na." walang prenong sambit ng lalake.

Napatingin sa'yo ang demonyong lalake. Ngunit huli na ang lahat. Huli na ang pasensya. Unti-unti ka ng nilamon ng dilim.

THE END

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PasensyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon