XIX [Beautiful Goodbye]

2.3K 71 15
                                    


XIX. BEAUTIFUL GOODBYE



Dahil sa kakaisip ko sa pinag-usapan namin ni Sakris kagabi.. hindi ako kaagad nakatulog kaya ang ending.. napuyat ako at tinanghali pa ng gising! Napabalikwas kaagad ako ng upo sa kama nong pagkakita ko sa wall clock kung anong oras! Pasado alas-diyes na ng umaga!

Shet! Naalala ko, magkakikita pala kami ngayon sa park nang 10am sharp! Anong petsa na? Kakagising ko lang! Taranta akong tumayo at mabilis na tinungo ang pinto palabas ng kwarto ko para maligo! Ugh! Paano ko nagawang kalimutan ang nagpapuyat saken magdamag?? Huhuhu! Sa kakaisip ko sa dahilan kung bakit niya ko niyaya makipagkita sa kanya sa park at doon sa lahat ng sinabi nya saken kagabi.

Sa totoo lang hindi ko pa din magets ang dahilan nya, galit pa din ba sya saken? Anong gagawin namin sa Park? Mag uusap? Or it's for the closer? Nyeak! CLOSER? Hindi naman kami at never naging kami para magkaroon nyan! Ay ewan! Hindi ko din talaga alam, I'm so clueless! Pero ang importante ngayon.. makikita at makakausap ko ulit si Enzo.. even for the last time..

After 15 minutes, nakapagready na ako. Mabilisan ligo at pagbibihis ang ginawa ko. Pagkatapos umalis na ko ng bahay. Nagtaka pa si Mama nong umalis akong di man lang nagalmusal, sinabi ko nalang sa kanya na may bibilhin lang akong gamit na dadalhin ko paalis bukas para wala na masyadong tanong at paliwanagan pa. Late na din kasi ako sa oras na sinabi saken ni Enzo! Medyo natagalan pa ko sa pagsakay ng tricycle, nagkataon pa nong mga oras na yun ay wala masyadong dumadaan pampasaherong sasakyan sa kanto namin, kaya ilang minuto pa bago ako nakasakay. Hayst!

Naandon na kaya si Enzo sa park? Malamang! 10am sharp ang sinabi nyang oras pero 30 mins. na akong late! Hinagilap ko kaagad ang cellphone ko sa bag ko para tingnan kung nagtext na siya kaso.. wala pa din akong narereceived kahit isang text mula sa kanya. Walang update at hindi din siya nagtanong kung bakit wala pa ko o bakit late ako.

I sighed. Itetext ko na nga lang siya, baka akalain nya, di ko na siya sisiputin.

AKO: Good morning Tsong! On the way palang ako. Pasensya kana.. medyo tinanghali kasi ako ng gising. Ikaw? nasa park kana ba?

Pagkasend ko nyan sa kanya, hindi siya kaagad nagreply. Pababa na ako ng tricycle nong muli kong cheneck yung cellphone ko pero wala pa din akong text na narereceive sa kanya . Naisip kong tawagan nalang sana siya, baka kasi di pa nya nababasa yung text ko o baka di nya lang narecieved but I changed my mind. I almost near in the Park, unting lakad nalang makakarating na ako doon. Siguro naman, nandon pa din sya at hinihintay ako. Kilala ko si Enzo, hindi yun basta-basta mang-iiwan, hindi yun basta-basta aalis ng walang pasabi. Inisip ko nalang na kaya siguro hindi niya ko tini-text or tinawagan ngayon dahil alam nyang sisipot ako.. na pupuntahan ko siya kahit anong mangyari. Tama! Yan nalang isipin mo Julien! Si Enzo yan, siya pa din si Enzo!

Pagkarating ko sa Park.. wala masyadong tao dahil weekdays ngayon, so lahat may pasok, teka.. may pasok.. si Enzo? Wala ba syang pasok ngayon?? Sa pagkakaalam ko, everyday ang classes nya, kung nandito na siya ngayon sa park para makipagkita saken, ibig sabihin umabsent siya?? OMG! Parang mali at hindi naman yata tama yun! Wait nga, nasaan na ba ang totoy na yun? O.o

Nilibot ko ang tingin ko sa buong palagid ng Park habang naglalakad, heading to Time Square, doon yun mismo sa may fountain na madaming benches sa ilalim ng mga puno. Pero pagkarating ko roon.. may mangilan-ngilang tao lang akong nakita, kalimitan mga batang nagbibike at naglalaro lang doon sa pinakaplayground. But I didn't see him.. wala akong Enzo na nakita. Wala siya. Wala na siya.. umalis na ba siya? Hindi nya ako nahintay? :|

Naupo ako sa isang bench.. at tinitigan ang cellphone ko. No text, to replies and to update from Sakris. Nakaramdam ako ng lungkot.. sobrang late na yata ako kaya umalis na siya.. is it too late for us to see each other for the last time? Oh no! Saklap naman! But I still have time, siguro naman.. di pa siya masyadong nakakalayo dito? Nagtype ako para itext si Enzo..iinform ko pa din siya na nandito na ko sa park dahil umaasa pa din akong baka bumalik pa siya at magpakita saken..

Mr. SAKRISTAN [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon