Part 19

2 0 0
                                    

SETH P.O.V

"Miss Chan gumising po kayo. Baka po dumating na ang sundo nyo!!" Nakagising ako sa yugyug ng nurse sa katawan ko. Ano nangyare?

"Bakit?" Wala sa wisyo kong wika. Wala ako gaanong matandaan.

"Miss Chan, di ba nga ayaw nyo malaman ng daddy mo yung mga ganitong ginagawa nila sayo, kaya bumangon kana po diyan 6pm na po" ano daw? 6 pm na? Wait.. 6pm na??..

"Oh my god!" Dali dali akong bumangon at pinanghuhugot lahat ng dextrose na nakakabit sa akin.

"Miss Chan ano pong ginagawa mo!? Masakit yan!!" Pigil sa akin ng nurse pero binaliwala ko lang. Hindi ako dapat binigyan ng ibang gamot hanggat hindi ko na didispose ang formula and dosage na tinurok ko sa katawan ko kaninang umaga, meron na lang akong 15 mins upang makakuha ng antidote sa kwarto ko. Dahil kong hindi.. hindi ko alam ang kalalabasan, baka maging poison ito sa katawan ko, dahil nahaluaan ng ibang chemical ang formula na ginawa ko.

Tinakbo ko ang parking lot sa pinakamabilis kong takbo sa buong buhay ko, naka paa lang ako at naka hospital gown pa. Wala na halos students, muntik pa ako maka bangga ng lalaki habang paliko ako sa kaliwa kong saan naka park ang hammer ko.

"Sorry!" Sumakay ako kaagad sa hammer at pinaharorot ito palabas ng school. 15mins ang pinaka mabilis na biyahe pauwi, bahala na kung maticketan ako sa daan.

"Lintik!" Traffic pa!! Humanap ako ng ibang route pero mas mahaba ang biyahe pero walang traffic. Pinatos ko na at pinaharorot sa 120kph ang takbo ng sasakyan ko.

"Wag ngayon!!" Nahihilo na ako, pero pinipilit ko pa rin na maituwid ang takbo ng sasakyan ko. Sinampal ko ng malakas ang pisngi ko para magising lang ako. Dahil umiipekto na ang gamot sa katawan ko.

2mins na lang. Lintik talaga! Malapit na.. malapit na ako sa bahay..

"Delvilliño!!" Pinipilit ko gumising, hindi maaari..

"Ppeeeeepppp!!!!" Ang tagal pa bumukas ng gate. Letche!

Nag park ako sa harap ng main door. Hindi ko na makita ang dinadaanan ko, matinding hilo na ang nararamdaman ko.

"Seth!!" Nag aagaw na ang liwanag at dilim. Tang ina gumising ka seth!

May umalalay sa akin, sa pang amoy ko si Ajjushi. Papalapit na rin ang amoy ng iba pang kasama niya.

" sa... kwarto ...ko" binuhat ako ni ajjushi at tinakbo papasok sa loob ng kwarto ko.

" anong gamot?! Anong kulay?" Nag aalala at takot ang naririnig ko sa boses niya.

"Gr..green. .. case ..-12.." namamanhid na ang katawan ko, hindi na ako maka hinga.

"Wag ka matutulog!! Stay with me!! Delvilliño!! " sumisigaw na si Ajjushi pero bulong na lang ang naririnig ko.  Nakarinig pa ako ng ibang ingay pero nag aagaw na ang dilim sa liwanag ng kwarto ko.

Bago pa ako tuluyang nakatulog ay naramdaman ko ang tatlong tusok ng karayom sa braso, binti, at puso ko.




Nakagising ako sa isang kwarto na hindi ko alam kong sino ang may ari.

"Seth.. baby are you awake?" Si ajjushi pala, mukhang nasa guest room ako.

"Anong nangyare Seth? Bakit ka naka hospital gown kanina pag uwi mo?" Koryosidad ang naka larawan sa mukha ni Ajjushi. Salamat naman at hindi siya nag aalala.

"Panoorin nyo na lang mamaya sa CCTV footage ng School." Wala ako sa mood mag paliwanag, at wala akong lakas.

"Ano nangyare kanina pag uwi ko?" Wala ako gaanong maalala.

" ano munang gamot ang tinurok mo sa katawan mo?" Mahinahon na tanong ni Ajjushi.

"Formula CH43." Pag tinurok ko ito sa katawan ko magiging antibody ito at dugo ko lang ang antidote sa mga lason and viruses na ginawa ko at gagawin ko pa lang, kabilang na rin ang mga high dosage poisons na ginagawa ng mga doctor. Yun ang matagal ko ng pinag aaralan simula nung lesson namin ni ajjushi, tuwing gabi ako pumupunta sa Laboratory niya, kaya umaga na ako nakakatulog.

"Muntik na maging lason ang dugo mo kanina, at dahil doon maaari kang mamatay, buti na lang naka abot ka ng buhay rito" kaya naman pala halos wala ako maalala, epekto ito ng pag babago ng hormones and chromosomes ng katawan ko.

Maya maya pa ay pumasok ang iba pang daddy ni Syeon at nag tanong sa kong anong nangyare, pero sinabi lang ni Ajjushi na dahil yun sa pag hagis ng bola sa ulo ko kaya ako nahihilo at kailangan ng agarang gamot. Kinindatan niya lang ako na sakyan ang sinasabi niya, kaya tumango lang ako.

"Bukas may training ka sa feild, MMA; hand to hand combat and counter attack, then Weaponry; long range and short range." Malamig na paliwanag ni Leo nakayuko lang ang iba.

"Okey" napapaos ako, dahil sa gamot siguro.

"Seth, start tayo ng 8am bukas, pahinga ka muna ngayon" mahinahong wika ni Oppa Ryad.

"2pm-4pm ang short range, 5pm-8pm ang long range, night vision mission ang lesson ng Long range. See you kiddo!" Kinindatan pa ako nito at umalis na sila sa kwarto.

"Ajjushi... nakita ba nila ang kwarto ko?" Kasi bakit naman ako nandito kung hindi nila nakita ang laman ng kwarto ko?

"Oo. Pinilit ko na kombinsihin si Leo pero pina tanggal niya lahat. Wag ka mag alala lahat naman ng ginawa mong formula nilipat ko sa laboratory ko." Salamat naman, dahil yun ang mas pinag hirapan ko.

"Eh yung  world Eye hacking device ko?" My godness, hindi pwedeng mawala iyon.

"Ito ba ang tinutukoy mo Athena?" Hawak ni Hems ang isang maliit na pulang hard drive.

"Akin na yan Hems! Project ko yan eh!" Sana maniwala siya. Sana hindi niya pa binuksan.

"Totoo bang project mo ito? Kasi kung sa akin mo ipapasa ang project mo na ito, i will be really really glad to accept it. Its a world eye. I can trace everyone wherever they are hiding!" Hayst buking na ako.

"Ibigay mo yan sa akin hems, pinag hirapan ko yan!" Wag naman sana mapunta sa wala lahat ng puyat ko jan sa worlds eye na yan.

"Okey! Okey! Kaya ko naman gumawa niyan. Oh ayan na!" Tsk, ibibigay rin naman pala. Lumabas naman siya kaya dalawa na lang kami ni Ajjushi sa kwarto.

"Mukhang gutom ka na. Oh kumain ka muna bago matulog." Malaking pasalamat ko talaga at kahit papaano ay may nag mamalasakit pa sa akin dito.

"Yah, hindi kana iba dito sa amin, si Leo lang talaga ang matigas ang puso. Kaya sana pag pasensyahan mo siya. Tandaan mo dahil sayo buhay pa kami ngayon, hindi mag dadalawang isip na patayin kami ng papa ni Syeon kapag nalaman niyang  comatose ang anak niya." Malambing na paliwanag nito sa akin, siguro nga dapat ay intindihin ko na lang si Tanda. Kumain na ako at nag pahinga na rin. Mahabang training ang papasubok sa akin bukas kaya kailangan ko ng lakas.

Dangerous MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon