This is a true story po. Ito po ang story ko nung High School ako. Nagpasya akong ito ang gawing unang Story sa account na ito. Sana magustuhan niyo :)
*Hindi totoong pangalan namin ang ginamit ko. Pero ang pangalan ni Darryl ay ang pangalan talaga niya.
All Rights Reserved
-------------
1st year ako nang ipakilala si DARRYL sa akin, 3rd na siya nun. Kahit 3rd year na siya, he was only 14.
Naka upo kami sa may mangga nun nung makita ko ang crush ni Reign.
Ako: Reign! Tignan mo Relo mo bilis!
Kaya relo kasi yun ang una kong naisip, hahaha!
Reign: Asaan?
Ako: Ayun oh, sa harapan mo teh.
Reign: Haaay! Ang gwapo talaga niya.
Ako: Uhm, ok.
Reign: Ang KJ mo naman. Uy, teka! Jay, sabihin natin sa kanya yung boy na nakita natin nung first day.
Jay: Ay oo! Ang gwapo niya. As in gwapo!
Reign: Super na super gwapo.
Ako: Tigilan niyo nga ako. Ano ba ang paki ko?
Wala pa talaga akong care sa mga gwapo nun. At yun, sinabi nila ang story sa akin kung pano nila nakikilala si DARRYL pero hindi pa nila friend yun. Ilang minuto, para na silang nabaliw. Hindi ko alam kung bakit. Yun pala kasi nakita nila si DARRYL.
Reign: Siya. Siya yung sinasabi namin sayo.
Hindi ako nakapag-salita nun. Oo nga, gwapo siya. Gwapong gwapo! Kakaiba nga eh. Nakatulala ako sa kanya ng mga ilang sigundo ang biglang nahulog nga ang loob ko sa kanya.
Jay: Gwapo noh?
Ako: Ha? Oo. Gwapo nga.
Jay: Sabi sayo eh. So crush mo na?
Ako: Haha! Oo, slight palang. Di ko pa kasi kilala eh.
Reign & Jay: Ay naman! Crush rin namin eh. Haha! All for one and one for all!
Simula nung araw na yun, palagi na kaming nasa may Mangga, kaharap lang kasi ang room nila. At palagi ko na siyang hinahanap hanap. Palage narin ako nagpapa ganda :D
Hindi namin alam na isa sa mga classmates namin, cousin niya. Nung narinig ni Jenna (yung cousin niya) tinanong niya kami kung crush namin. Hindi naman namin matago kasi nga na-obvious niya kaya dun niya sinabi na cousin niya si Darryl.
Marami kaming tinanong kay Jenna kasi syempre dapat rin nain nalaman ang mga gusto niya. Para kaming mga impistigador nun.
Sinabi rin sa amin ni Jenna na may nagmamay ari nadaw ng puso niya. Si Agnes. Dinescribe niya si Agnes sa amin. Mabait daw, maganda at madaling paki samahan. Gusto nga namin siyang makita.
Jenna: Ipapakita ko siya sa inyo sa susunod, ok?
Ako: Ok. Promise mo yan ah?
Jenna: Oo.
Dahil kay Darryl, naging matatalik kaming magkaibigan nila Jenna.