Inah Arrellano
Halos mapatay ko na ng tuluyan si mae dahil sa pananakot nya sakin, kotang kota na sya promise!
Mabilis naman syang nag explain na napag utusan lang sya. Si Chelsea daw ang pasimuno nito at nag cooperate lang sya para sakin at para kay zach.
Hindi ko na lang sya inusisa pa, baka kasi ibuko pa nya ko at sabihin pa nyang involved din naman ako sa nangyari.
Nag aya si mae na mag stay na lang sila ni zach sa kwarto ko dahil ala din naman daw kasama si zach dahil umalis pala si andi.
Nag suggest sya midnight snack. Uminom daw kami ng beer at mamapak ng chips habang nagkwe- kwentuhan na sinang ayunan naman namin ni zach. Na pinagsisihan namin agad, lahat na lang ba ng gagawin ko with mae ay pagsisisihan ko in the end?
Pareho kaming nganga ni zach habang nakatitig kay mae, animo nababaliw na sya sa pinaggagawa nya. Obvious na may tama na sya, well di na naman nakapagtataka.
Napaka takaw naman kasi nya sa alak! Para bang ngayon lang sya nakainom in whole life nya. One shot lang sa kanya ang isang canned beer!
Nakakatakot sya kasi mukang ala na sya sa sarili, ngingiti, tatawa, iiyak. Parang baliw di ba?
"Hoy señorita!"- angas nya sakin.
"B-bakit!?"- kinakabahan kong tanong, baka kasi gantihan nya ko bigla sa pinaggagawa ko sa kanya.
"Kala mo ba maganda ka!?".
"W-what!? B-bakit? Hindi ba?".
"Hindi noh!".
"Abat-
"Hindi ka maganda señorita! Sobrang ganda ka!"- napanganga ko.
Aba matinde pala tong si mae, lasing na't lahat matino pang mag isip! Tumpak ganern sya ha! Pasok na sya sa next round.
"T-Thanks"- alangan akong napangiti.
"Hoy poging zach!"- siko naman nya kay zach na kasalukuyang kasusubo lang ng chips. Hantik na tuloy syang nasamid.
"Mm!?".
"Alam mo bang sanay akong mag kung fu?".
"H-ha!? Ah- talaga?".
"Oo!"- tumayo sya sabay hila kay zach patayo. Napakunot noo ko.
"Ano poging zach!? Kakasa ka ba!?".
"Ha?".
Nag pose sya na parang magku- kung fu tapos bigla na lang syang sumipa, buti na lang mabilis pang reflexes ni zach kahit nakainom. Nakailag agad sya kaso tinamaan naman yung mangkok ng chips na naka pwesto sa harapan ko.
Nanlaki na lang yung mata ko sa nerbyos, hantik ng tumama sa mukha ko yung mangkok!
"Ok ka lang inah!?"- worried na tanong ni zach.
"O-oo"- nanlalaki ang mata na react ko, hantik na ko! Sayang mukha ko ah!
"Mae, you better sleep now. Marami ka ng nainom"- akay sa kanya ni zach, bigla nyang kwenelyuhan si zach. Napatayo tuloy ako sabay awat sa kanila.
"Stop it mae!"- hindi nya ko pinansin. Anak ng tokwa!
"Ikaw Zach La'vine! Bakit ba sinasaktan mo si señorita ha!? Hindi mo ba alam- hindi mo ba alam paborito ko yan kahit maldita yan!?"- yugyog nya kay zach.
"S-sandali mae-
"Subukan mo lang na paiyakin si señorita! Kukung-fu hin talaga kita! Tandaan mo!".
BINABASA MO ANG
MY EVERYTHING [The Bodyguard Part 2]
RomanceIs this happily ever after? Or may pa part 3 pa si ailab_purple? 😂