Chapter 21

272 12 2
                                    

Chapter

21

   Pagkatapos matamaan ay napaluhod na si Daniel sa lapag. Nagsimula nang lumabas ang dugo sa bibig niya. Nabaril siya sa tagiliran. “Daniel. Daniel!” sigaw ni Julia.

   Sinakay na nila Julia at Josephine si Daniel sa ambulansya. “Daniel, bakit mo sinalo yung bala na dapat para sa kin?” iyak nito sa kaibigan.

   “Ano ka ba. Mas hindi ko kakayanin pag may nangyaring masama sa yo.” hinang-hinang salita ni Daniel na nakahiga na. Kumalat na ang dugo sa kanyang katawan. “Julia, kung may mangyaring masama sa kin, gusto lang kitang pasalamatan.... para sa pinakamasasayang taon ng buhay ko. Nagsimula yon nung makilala kita. Gusto ko lang malaman mo... hanggang ngayon mahal pa rin kita.” bigkas ni Daniel pagkatapos ay nawalan na ng malay.

   “Daniel wag mong sabihin yan. Daniel lumaban ka!” tawag nito pero hindi nagkamalay ang binata. Nakarating na sila sa ospital at sinugod agad si Daniel sa Emergency Room.

   “Dok, gawin niyo po ang lahat! Iligtas niyo po si Daniel.” bulaslas ni Julia. Yinakap niya ang kanyang ina at walang hanggang luho ang tumulo mula sa mga mata niya.

   Umupo muna sila. Ikinuha ni Josephine ng tubig ang anak. “Wala sa kanila ang karapat-dapat na nandon eh. Ako lang! Ako naman kasi dapat eh. Bakit ba sinakripisyo pa nila ang sarili nila para sa kin. Hindi nga ko karapat-dapat eh. Tignan mo ng Nay, mga kaibigan ko sila pero wala man lang akong nagawa!” sisi ni Julia sa kanyang sarili.

   “Anak tumahimik ka. Ayokong nagsasalita ka ng ganyan. Walang sinuman ang nararapat para sa ganitong sitwasyon. Lahat ng bagay ay nakatakda. Magdasal na lang tayo na sana walang mangyari sa dalawa mong kaibigan.” laban ni Josephine.

   Dumaan ang doktor na nag-asikaso kay Quen. Agad nilang tinanong ito tungkol sa kalagayan ni Quen. “Dok, ano na pong kalagayan noong pasyenteng si Quenneth Beltran?” usisa ni Josephine.

   “Ahhh, mahina pala ang baga ng batang yon. Marami din siyang  nalanghap na usok kaya nahihirapan siyang huminga ngayon.” bigay-alam ng doktor.

   “Pero magiging ok naman po ang lahat diba Dok?” sabi ni Julia.

   “Lumalaban ang pasyente. Pero sa ngayon fifty-fifty ang chances niya para mabuhay. He needs your prayers kaya wag kayong tumigil sa pagdadasal.” saad ng doktor.

   “Eh yung isang pasyente naman po, si Daniel Manansala?” patuloy ni Josephine.

   “Ohh that boy, yung natamaan ng bala? Well, his state is critical. May natamaang nerve sa kanya at marami-raming ring dugo ang nawala sa kanya.” pahayag ng doktor.

   “Gawin niyo po ang lahat para masalba siya.” paki-usap ni Julia.

   “Everyone is doing their best. Sige mauuna na ko if you don’t mind.” paalam ng doktor kila Julia.

   “Nay, pano yan. Nanganganib na ang buhay ni Quen at Daniel.” paga-alala ni Julia.

   “Anak, magdasal lang tayo. Yun lang ang tanging magagawa natin.” sabi ni Josephine sa anak.

   May dumating na isang babae sa ospital. “Tita Daisy.” puna ni Julia.

   Ito ay ang ina ni Daniel, si Daisy. “Nalaman ko yung nangyari. Ano nang balita? Ano nang nangyari sa anak ko?” kwestyon ni Daisy.

   “Daisy ginagawa ng doktor ang lahat. Magtiwala tayo sa kanila.” sabi ni Josephine.

   “Diyos ko po.” bigkas ni Daisy pagkatapos ay umiyak. Agad naman siyang yinakap ni Josephine.

   Isang oras na ang lumipas at naghihintay pa rin ng balita sila Julia, Josephine at Daisy. Nakaupo lang sila sa upuan at hindi makapagsalita dahil sa sobrang tensyon.  Naisipan muna ni Julia na matulog muna.

***

   Masayang masaya si Julia. May humahabol sa kanya. “Hulihin mo ko!” asar nito sa kalaro. “Hulihin mo ko Sophia!”

   Naghabulan ang dalawa hanggang sa hiningal na sila at sumuko na si Julia. “Suko na ko Sophia! Ayoko na.” tigil nito.

   Naupo sila sa damuhan. “I’m really gonna miss you Julia pag nagsimula na yung college. Madalang na tayong magkikita. Unlike before na madalas.” pahayag ni Sophia.

   “Mami-miss ko yung bonding moments natin, yung girl talks. Hayy bakit ba kasi ang layo ng college mo Sophia.” daing ni Julia.

   “Dream school ko kasi yun eh. I hope you understand Julia.” paliwanag ni Sophia.

   “Di bale, lagi ko namang iisipin yung memories natin eh.” sabi ni Julia.

   Ngumiti si Sophia. “Eh yun naman talaga yung importante diba? People will enter and exit your life pero what’s most important is the memories you shared. Mamamatay tayong lahat Julia at mawawala sa mundong to pero the memories, they’ll stay forever in our minds.... and our hearts.” saad ni Sophia.

   “Sophia!” tawag ni Julia pagkatapos ay nagising.

   “Anak, ok ka lang? Bakit tinatawag mo si Sophia?” pansin ni Josephine.

   “Ok lang ako Nay.” sambit ni Julia. Pagkatapos nito ay tumayo siya at pumunta sa altar.

   Nag-umpisa na siyang magdasal para sa ikabubuti ng kalagayan ng dalawang kaibigan.

   “Diyos ko, Kayo na po ang bahala. Alam kong kayo lang ang nakaka-alam ng kapalaran namin. Ipinagkakaloob ko nap o sa inyo lahat.” dasal ni Julia.

   Pagkatapos magdasal sa altar ay pinuntahan ni Julia sa ICU sila Daniel at Quen. Una niyang linapitan ang matalik na kaibigan na si Daniel. Wala pa rin itong malay hanggang ngayon. Inalala niya lahat ng mga masasaya at malulungkot na napagdaanan nila ni Daniel.

   “Even the best fall down sometimes. Even the wrong words seems to rhyme. Out of the doubt that fills your mind, I somehow find you and I collide.” kanta ni Julia. “Pards gumising ka na. Hindi ko kakayanin pag nawala ka. Alam mo namang tayo ang original partners diba?” hinaing ni Julia sa kaibigan.

   Pagkatapos kausapin ni Julia si Daniel ay pumunta naman si Daniel kay Quen. “Hoy asungot! Ipis! Ang lakas lakas ng loob mong pumunta don sa sunog tapos mahina pala yang baga mo.” sisi nito kay Quen. “Mahal kita! Mahal kita!” sigaw nito sa binata. “Yun naman yung gusto mong marinig diba? Hindi lang ako handing sabihin sa yo kasi kaka-break lang namin ni Louise... at naghihintay lang ako ng tamang panahon para masabi yung nararamdaman ko.” pahayag ni Julia. “Gumising ka na please. Quen gumising ka na!”

   Narinig ni Julia na tumunog ang cardiac monitor ni Quen at nakitang nagfa-flat na ang heart beat ni Quen. Pati kay Daniel ay nangyari din ang insidente kaya naman natakot na si Julia at agad na tinawag ang mga nars at doktor. “Nurse, nurse, yung dalawang pasyente po!” bigay-alam ni Julia. Pumasok na ang mga nars at doktor sa ICU para asikasuhin sila Daniel at Quen.

   “Nay, eto na ang kinakatakot ko.” samo ni Julia sa ina.

   “Anak, manalig ka lang.” paalala ni Josephine.

   Pagkalipas ng ilang minuto ay may lumabas na isang doktor mula sa ICU.

   “Ginawa na namin ang lahat. Pero, hindi na talaga siya naisalba.....” balita ng doktor.

Case Closed: A Recipe For DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon