Jovann's POV
Hi everyone! Finally, got my POV na din Thanks sa author :) Alam ko namang di mo ako magtitiis Ms. Author diba. Labs mo kaya ako. ^_^
By the way, tama na muna sa kalokohan. Ako nga pala si Jovann Maverick Herman Diaz. Complete name na yan ahh. Pero yung nakasulat sa birth certificate ko, "Mave" lang.. Hindi "Maverick" kaya yun nalang sinunod ko. Tsaka okay na din yun kakatamad isulat. Hahaha. Umiral na naman kabaliwan ko.
Ako ang negative one, tanong niyo kung bakit? Well, ganito kasi ako:
-mahilig mag cut class
-absenous ( ituturing na nilang himala kapag na perfect ko ang buong linggong di absent)
-pumasok man, natutulog lang sa lecture (except sa PE, gusto ko yun ee..)
-naninigarilyo ( nahawa sa barkada ee)
-mahilig makipag inuman (himala na ata pag tumanggi ako sa alok na inuman)
-nanliligaw, but just in a playful way (ayokong magmahal, sakit sa ulo lang yan)
-mahilig sa basag ulo ( yan exercise ko ee.. )
Kitams, pag may makita kayong positive sakin, pamisa na kayo kasi baka kung anong himala na ang nangyari sakin.
Eto ako ngayon tulala matapos iwan ni Janelle.
Oo.. Bye CRUSH
Oo.. Bye CRUSH
Oo.. Bye CRUSH
Uurrrhhh bat di ko makalimutan yun? Alam ko namang trip lang niya yun. Ganti lang sakin yun. Pero bakit ganito? Lakas ng tama sakin nung mga sinabi niya. Kaya nga eto nalang ako ngayon, nakaupo sa may hallway, iniisip yung mga sinabi niya na di naman dapat -_-
"hoy! Jovann! "- paparating pala si Chris. Kailangan kong umayos. Baka mahalata niya ako.
"Oh Tol! Anong satin?"
"Uuwi ka ba satin ngayon?" -sabi ni Chris sabay kuha ng cellphone niya
"Oo, naiwan ko kasi yung rubber shoes ko dun e. Baka may PE daw bukas kaya babalikan ko. Bakit? Sasabay ka?"
"Oo. Daanan mo nalang ako sa boarding house ahh"
"Okay pero mas mabuti na hintayi----"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, biglang tumunog ang cellphone ni Chris.
"Hello? ......... Oo sinabi na sakin ni Erika kanina.............. okay..... Sige...... abay ako na ang bahala dun... Okay... Bye"
"Tol, sino yun?" - pagtatanong ko, pero di ako chismoso ahh.. Sadyang curuois lang
"Yun ba, si Janelle yun. Vinerify yung mga dadalhin ko bukas sa activity" sagot ni Chris sabay lakad "Oh, tayo na.. Diba hihintayin mo nalang ako?"
"Ahhh oo.. " sagot ko sabay naglakad na din ."Teka tol, pwede ba akong humingi ng number ni Janelle? "
Abay, tiningnan lang ako ni Chris, poker face lang sabay sabi "Hindi pwede.. Baka pagtripan mo lang yun.. Ako mananagot sa kanya."
"Tol, malinis ang intensyon ko sa paghingi ng cellphone number niya. Sige na. Bigay mo na sakin" -pangungulit ko kay Chris sabay yugyog ng kanang braso niya
"Bitawan mi nga ako. Para kang bata dyan ee.." nagcross arms siya sabay titig sakin . Aba nakuha pang mag smirk. "Tol, gusto mo ba talagang makuha number niya?"
BINABASA MO ANG
Magnetism's Principle...ON LOVE??? ( OPPOSITES ATTRACT )
Teen FictionMagnetism's Principle...ON LOVE (OPPOSITES ATTRACT) is a story based from the real life story of the Author. A story of friendship, mother-daughter relationship and a high school love that is full of ups and downs.