3. A Date Is Still A Date

6.6K 159 4
                                    

3

Kinabukasang pumasok si Jam sa resort ay mas maaga siya kaysa nang nagdaang araw. Walang pagmamadaling nilakad niya ang may dalawang daang metrong layo ng gate patungo sa kanilang quarters.

Lunes nang araw na iyon at iilan lang ang naglalakad sa mahabang walkway ng resort. Kaya  mapapansin niya ang mga kasabay, lalo na iyong mga nauuna sa kanya. Sa minsang paglingon niya sa kanan, napuna niya si Flynn na naglalakad din sa kabilang panig ng walkway. Marahil medyo nahuhuli lang ito sa kanya nang isang hakbang.

Ibinalik niya ang tingin sa unahan. Lumitaw sa mga labi niya ang isang pigil na ngiti. Nagkataon lang kaya na nakasabay niya ito o sadyang hinintay siya sa gate ng resort para sabayan siya?

Hinayaan ni Jam na manatili silang ganoon. Sinikap niyang huwag iparamdam dito na alam nang nakaagapay ito sa paglalakad niya, na alam niya na nasa kabilang panig ito.

She was half-expecting that he would announce his presence before they got near the cluster of cabanas. Ngunit hanggang nang sapitin niya ang kanilang quarters ay hindi man lang nagparamdam ito.

Nakadama siya ng panghihinayang nang nasa loob na siya. Ngunit nakalalamang doon ang inis na nararamdaman niya. Inis dahil hindi man dapat ay nabibitin siya. Para kasing excited siya na hindi mawari. Naaapektuhan na siya ng lalaking torpe!

Hindi puwede iyon. Kailangang makawala siya sa ganoong pakiramdam.

Nang makapagbihis ay lumabas siya ng quarters nila. Mabuti na lang at wala pa si Kit. Hindi niya kailangang mag-explain dito kung bakit para siyang pusang hindi mapaanak.

Hinanap kaagad ng mga mata niya si Flynn. Tama ang hinala niya—nasa malapit lang ito. Hindi ito nakatingin pero alam niya na nakita na nito ang paglabas niya.

Bago pa panghinaan ng loob si Jam ay nilapitan na niya ito. “Meet me at the restaurant at lunchtime. At least, hindi mo na kailangang mag-pretend na hindi mo ako sinusundan o binabantayan sa post ko.”

Napaawang ang mga labi ni Flynn. Hindi nito inaasahan na basta siya lalapit para makipagtipan dito. Isang nabubulol na “okay” ang isinagot nito bago siya umakyat sa sky room.

Napapangiti siya habang ini-scan ang kahabaan ng dalampasigan. Hindi niya inakala na magiging ganoon siya katapang para lapitan ang lalaki.

Sa palagay ni Jam ay effective ang naging hakbang dahil hindi na niya nakita si Flynn sa paligid.
 
Bumaba na siya ng sky room pagsapit ng alas-dose. Bumubungad pa lang siya sa restaurant ng resort ay nakita na niya si Flynn. Malayo sa pintuan ang mesang kinuha nito pero nakaharap naman ito sa entrance door ng restaurant.

Kumaway ito nang makita siya. Nang magsimula siyang lapitan ito, siya naman ang parang nenerbiyusin. Lalo na nang mapansin na titig na titig ito sa mukha niya. Mabuti na lang at iginalaw rin nito ang mga mata nang magkaharap na sila.

“Hi,” bati ni Flynn sa kanya habang tumatayo ito, saka ipinanghila siya ng silya.

“H-hi,” tipid na tugon niya. Kulang na lang na kurutin niya ang sarili. Iyon na nga lang ang isasagot niya ay nabubulol pa. May halo yatang virus ang nerbiyos ng lalaking ito at pati siya ay tila nahawa na.

Napuna niya na pasimpleng humugot ito ng hininga nang pareho na silang nakaupo. “I’ve ordered for both of us. I, ahm... hope it’s okay with you...”

“O-okay.” Lahat naman ng putahe sa restaurant na iyon ay gusto niya, maliban lang sa isa—ang seafood curry. Sana hindi iyon ang in-order ni Flynn.

Pagkatapos ng maikling preliminaries ay hindi na nila kapwa alam kung ano pa ang dapat sabihin. Napangalahati tuloy niya kaagad ang tubig sa baso sa kawalan ng magagawa. Mabuti na lang at dumating na ang soup na unang isinilbi ng waiter. Corn soup iyon, at least ayos lang sa panlasa niya.

Braveheart Series 6 Flynn Falcon (Free Spirit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon